Ina ng anak ni Jovit Baldivino na si Shara Chavez, itinanggi na siya ay isang scammer at inakusahan ang singer ng hindi pagsusustento

Naging usap-usapan muli sa social media ang dating partner ni Jovit Baldivino na si Shara Chavez matapos pumanaw ang kilalang singer.

Matatandaan na naging kontrobersyal si Chavez matapos nitong isapubliko ang problema nila sa relasyon noon ni Baldivino.

Matapos ang hiwalayan ng dalawa ay maraming netizen ang nagbahagi ng kanilang istorya tungkol sa diumano’y panloloko sa kanila ni Chavez matapos silang mamuhunan sa negosyo nito na beauty products.

Ayon sa ilang nagreklamo ay nasa 8,000 diumano ang nabiktima ni Chavez sa isang ‘investment scheme’ sa kumpanya na SCET Colleens Corporation kung saan ang dating partner ni Baldivino ang CEO.

Isa sa mga nagpakilalang biktima na si Jerome ay namuhunan ng P500,000 sa dating partner ni Baldivino ngunit hindi na ito naibalik pa.

Ngunit sa isang open letter, itinanggi ni Chavez ang mga akusasyon laban sa kanya at sinabi na hindi siya nagtatago.

Nsa proseso na rin diumano siya para ibalik ang pera sa kanyang mga investors.

“As per IT, 1271 po ang total members. Not 8000. May mga hinire po na admin na nakikipag settlement sa mga investors. Need po talaga mag follow ng process. Makipag usap nalang po tayo ng maayos para maayos na ang problema na ito.” sabi ni Chavez.

“Closed na din po nya ang CORP, nag file sya ng bankruptcy nung isang araw ko lang din nalaman. Ang focus now is makipag settlement sa tao.” dagdag pa niya.

Binatikos din nito si Baldivino dahil sa hindi pagsusustento sa kanyang anak.

“At para sayo, Mr. Jovit Baldivino. Ang saya mo siguro. Sabi mo nga matagal tayo wala koneksyon at komunikasyon e bakit parang magsalita ka ngayon alam mo yung nangyayari? Gumatong ka pa sa problema na wala ka naman kaalam alam.” ani Chavez.

“Paano mo ba malalaman e sa limang taon na nabubuhay ang anak ko, HINDI KA NAMAN NAGSUSTENTO. NEVER KITANG HININGAN KASI KAYA KO.” dagdag pa niya.

Nangako rin ito na hindi bibigyan ng kustodiya si Baldivino sa kanyang anak.

 

shara chavez 1 chara chavez 2

Sinagot naman ito noon ni Baldivino at tinawag na ‘scammer’ ang ina ng kanyang anak.

Itinanggi rin nito na hindi niya binibigyan ng sustento ang kanilang anak at mismong si Chavez ang nanghaharang sa kanya.

“Ayusin mo muna problema mo bago mo ulit ako babuyin at siraan sa kanila, matagal akong nanahimik Mrs. Shara kahit sobrang sakit nang naririnig ko sa kanila halos balatan ako nang buhay, binaliktad mo lahat, pinaniwala mo sila sa mga kasinungalingan mo kung pwede ko lang bawiin din lahat nang mga nagawa at nabigay ko naisip ko na lang na kay akeya na lang yun.” ani Baldivino.

“Kahit alam nila alam ko at alam nang dyos na wala akong ginawang mali sa inyo, oo dinadamay ko ang panginoon kasi sya naman talaga ang nakakaalam nang lahat.” dagdag pa niya.

jovit 5 jovit 6

Sa ngayon ay ilang netizens ang nagtatanong kung saan nga ba mapupunta ang lahat ng pinagpaguran ni Baldivino ngayong pumanaw na ito.

Facebook Comments