Atom Araullo, inireklamo ang hirap na paghahanap niya ng masasakyan sa airport: “This is what a broken transpo system looks like”

Hindi mapigilan ng mamamahayag na si Atom Araullo na magreklamo dahil sa tagal ng paghihintay niya sa paliparan upang makahanap ng masasakyan.

Sa kanyang tweet, inireklamo ni Araullo ang naranasan niyang paghihirap sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos ang kanyang overseas trip kung saan ay ilang oras siyang naghanap ng masasakyan pauwi sa kanyang bahay.

Ayon sa kanya ay kahit sino ay mahihirapan sa Pilipinas kung wala silang personal na susundo sa airport.

“Just arrived at the airport from an overseas trip. No coupon taxis, no metered taxis, no Grab. Wala rin tayong mga bus at tren dito. Basically kung wala kang sundo, you’re dead. It’s been an hour and counting. This is what a broken transpo system looks like,” ani Araullo.

atom naia
Larawan mula kay Atom Araullo/Twitter

Matapos ng dalawang oras ang nagbigay ng update si Atom kung saan ay nakahanap na ito ng masasakyan.

Ngunit ayon sa kanya ay mayroon pa siyang panibagong problema na kakaharapin katulad ng traffic.

atom naia 2
Larawan mula kay Atom Araullo/Twitter

Ikinalungkot naman ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang naging karanasan ng mamamahayag.

Ngunit ipinaliwanag nila na maraming dahilan kung bakit hindi kagad nakahanap ng masasakyan si Araullo kasama na dito ang rush hour.

“Hi Mr. @atomaraullo, we are saddened to hear about your experience as the high demand due to rush hour combined with heavy traffic around the metro makes it difficult for any mode of public transport to get to and from the airport terminals.” sabi ng ahensya.

Nagpasalamat naman si Araullo sa naging mensahe sa kanya ng MIAA.

Matatandaan na mayroong mga inihandang proyekto ang gobyerno para matugunan ang transportasyon sa NAIA.

Isa na dito ang pagtatayo ng Metro Manila Subay na magkokonekta sa NAIA sa iba’t ibang lugar sa kamaynilaan.

Inaasahan na matatapos ang nasabing proyekto sa 2028 o 2029.

Facebook Comments