Nadine Lustre sa tinawag siyang ‘suplada’: “It’s not our responsibility to acknowledge everyone”

Sa gitna ng usapin ngayon tungkol sa mga sikat na personalidad na hindi diumano namamansin ng mga fans ay kumalat muli ang isang pahayag ng aktres na si Nadine Lustre.

Matatandaan na ibinahagi noon ni Nadine ang naging karanasan niya sa isang fan na tinawag siya ng harap-harapan na ‘suplada’.

Ikinuwento niya ito sa panayam sa kanya ng aktor na si Edward Barber at sinabi na hindi niya talaga ugali ang kumaway o mag-hi sa lahat ng taong nakakasalubong niya.

nadine 3

“I was never the type to say hi to everyone, or smile, or wave, because I don’t know you. I never had the feeling of responsibility when it comes to saying hi to everyone….it was never my thing, because to me it was weird.” aniya.

“I was walking lang, like passing lang. And then in one of the shops, there this one person, a lady, and she said, ‘Suplada naman.’ And I looked at her and I’m like, ‘Am I supposed to say hi to you? I don’t know you.

“She was just there! And she was expecting me to say hi to her. If you want me to say hi to you, say hi to me, or acknowledge me, or greet me. I’m not gonna go out of my way to say hi to you,” dagdag pa niya.

choco mucho flying titans scaled

Naniniwala si Nadine na hindi nila obligasyon na pansinin ang lahat ng tao sa publiko dahil hindi naman ito ang kanilang trabaho.

“I think it’s also because people forget that we are also people, that we’re humans. That it’s not our responsibility to acknowledge everyone and to please everyone…Our responsibility is to give entertainment and that’s not a part of it.” paliwanag niya.

Matatandaan na nitong nakaraan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang diumano’y hindi pamamansin ng ilang miyembro ng isang professional volleyball team sa kanilang mga fans.

Dahil dito ay pinag-usapan kung tama nga lang ba na pansinin ng mga celebrities ang kanilang mga fans sa kahit anong oras at lugar.

 

 

Facebook Comments