Marcelito Pomoy todo ang pagkalungkot sa pagpanaw ng kaibigan na si Jovit Baldivino: “Pinipilit ka naming gising baka magmilagro pa”

Hindi maitago ng second grand winner ng Pilipinas Got Talent na si Marcelito Pomoy ang pagdadalamhati sa biglaang pagpanaw ng kanyang kaibigan na si Jovit Baldivino.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Marcelito ang huling pag-uusap nila ni Jovit sa pamamagitan ng voice call.

Matatandaan na limang araw na comatose si Jovit matapos itong mag-perform sa isang party sa Batangas City kahit na mayroon na itong karamdaman.

marcelito jovit 1

Ayon sa singer ay sinubukan pa nilang kausapin si Jovit ngunit hindi na talaga ito nagising.

“Parekoy…. 3:33AM this morning pinipilit ka pa naming kausapin at gisingin baka magmilagro pa… sobrang sakit mawalan ng isang kaibigan.. ikaw yong taong unang sumuporta sa laban ko sa PGT.. pahinga ka na… no more pain parekoy… isa kang tunay na kaibigan… hinding hindi kita malilimutan…” sabi ni Marcelito.

“From the day na tinakbo ka sa ICU… pinuntahan agad kita.. talked to the family if we can raise funds for you.. if we can do concert for a cause for you but its too late now… contacted all the generous and people with a big heart all over the world to help you parekoy… thank you so so much to all those who helped Jovit… thank you for being with us during Jovit’s fight…” dagdag pa niya.

Sa ngayon ay nag-umpisa na ng fundraising ang si Marcelito para sa pamilya ni Jovit.

marcelito 2
Larawan mula kay Marcelito Pomoy/FB

Inaasahan naman na dadagsa ang tulong kay Jovit na kahit naging kontrobersyal ay patuloy parin na hinangaan ng mga netizens dahil sa kanyang galing sa pag-awit.

 

 

Facebook Comments