Dahilan ng pagkasawi ni Jovit Baldivino, posible diumanong dahil sa pagtuloy ng kanyang performance

Ikinalungkot ng mga netizens ang biglaang pagpanaw ng unang winner ng Pilipinas Got Talent na si Jovit Baldivino sa edad na 29-anyos.

Pinaniniwalaan na nasawi ang singer dahil sa aneurysm matapos itong kumanta sa isang party sa Batangas City.

Ayon sa statement ng pamilya ni Jovit ay nagpapagaling pa lamang ang singer sa kanyang high blood pressure ng imbitahan itong kumanta sa isang party nitong Disyembre 3.

Pinayuhan siya ng doktor na huwag munang mag-perform ngunit pumayag parin itong kumanta sa party ng kanyang kaibigan.

jovit 2

Mapapansin na sa ikatlong pagkanta nito ay hingal na hingal na ang singer ngunit patuloy parin ito sa kanyang pag-awit.

“According to Jovit Baldivino’s parents Mr. Hilario ‘Larry’ and Mrs. Cristeta Baldivino and fiancé Camille Ann Miguel (during our personal visit in the hospital on December 6, 2022), he was recuperating for a week with hypertension maintenance medicines,” ayon sa pahayag ng pamilya Baldivino.

“Then, he was invited by a family friend from Batangas City. Doctor’s advice not to sing while recuperating. Knowing ‘Bundoy’ (Jovit), he gave in to clamor of the crowd. He sang 3 signature songs including Faithfully by Journey. He was gasping for breath on the 3rd song,’ dagdag pa nila.

jovit 1

Isang oras matapos ang kanyang performance ay napansin na ang malaking pagbabago kay Jovit kung saan makikita na tumutulo na ang laway nito kaya naman isinugod na ito sa pinakamalapit na ospital.

“After an hour while sitting, his face was deformed with flowing salivas. He was then rushed to the nearest ER at Nazareth of Jesus Hospital last December 3, 2022 around 10pm. CTscan showed a blood clot in the brain (sign of aneurysm). 100cc of blood was suctioned 2:00 AM of December 4, 2022. He was In comatose for 5 days.” sabi pa sa pahayag.

“Our dearest Jovit Baldivino joined our Creator 4:00 AM today December 9, 2022. He was 29.” dagdag pa nila.

Nakilala si Jovit noong 2010 matapos nitong mapahanga ang buong Pilipinas sa kanyang pag-awit at sa kanyang istorya.

Ilan sa mga kilalang awitin ni Jovit ay ang “Pusong Bato” at “Ika’y Mahal Parin”.

 

Facebook Comments