Netizen, binayaran muli ang natapon na pagkain ng isang trainee ng restaurant para hindi ito mag-abono: “Siguro pagod na si kuya”

Isang netizen na imbis na magalit ay nagmagandang loob pa sa trainee ng isang fast food restaurant na naitapon ang kanyang order na pagkain.

Sa kanyang post, ibinahagi ni Mariz Agento ang naging karanasan niya sa nasabing restaurant at ibinahagi rin nito ang larawan ng trainee na nakatapon sa kanyang pagkain.

Ayon sa kanya ay imbis na pagalitan ang lalaki sa natapon na pagkain na nagkakahalaga ng mahigit P500 ay inintindi niya na lamang ito.

Maliban dito ay hindi niya inobliga ang restaurant na palitan ang natapon niyang pagkain dahil sa alam niya na maaring itong abonohan ng crew.

Ayon kasi sa kanya ay katumbas na ng buong sweldo sa isang araw ng isang crew ang natapon nitong pagkain.

“Napaisip agad ako na yung pinasok nya for today is malamang iaabono nya lang since 500+ yung bill namin so di ako nag dalawang isip to pay for it again kasi alam ko mahirap maging service crew sa fast food.” sabi ni Mariz.

“Kinausap ko yung nasa cashier and made sure na hindi sya magbabayad sa natapon na food. Siguro pagod na si kuya or may problemang bitbit. Ingat na lang next time.

“SENDING VIRTUAL HUGS SA LAHAT NG SERVICE CREW, DESERVE NYO NG MAS MATAAS NA SAHOD.” sabi pa niya.

Umabot sa libo libong shares at reaction ang nasabing post at pinuri rin ito ng mga netizens.

“Hello ma’am! This is my 1st time to comment po sa mga random post. Gusto ko lang po mag express ng pasasalamat sa kabutihan nyo. I was once a crew at as a crew gusto po namin na best service ang ma i-provide sa mga customer namin. Salamat po sa malawak na pag unawa at pag intindi, siguradong hindi po ito sinasadya ng crew pero ang sigurado po ay hinding hindi nya kayo makakalimutan, yung kabutihan na ipinakita nyo ay maikkwento nya pa sa iba. God bless po! si Lord na po ang bahalang mag balik sainyo,” sabi ni netizen Jords.

“Kabado din po siguro dahil sa bago lang po siya. Thank you mam dahil kahit Ganyan nagawa niya ay napaka bait niyo padin po at naiintindihan niyo ang sitwasyon. God bless you po.” ani netizen Gracy.

Wala pang pahayag ang nasabing fast food restaurant sa nasabing post.

Facebook Comments