Mambabatas, tinanong kung maari nga bang butasin ang bulkan upang tumigil ito sa pagputok

Ilang mambabatas ang hindi pinalampas ang pagtatanong sa isa sa maituturing na pinakamatalinong tao ngayon sa Pilipinas na si Science Secretary Renato Solidum Jr.

Sa confirmation hearing para kay Solidum na pinamumunuan ang Department of Science and Technology (DOST) ay hindi napigilan itanong ni Camiguin Rep. Jurdin Jesus “JJ” Romualdo kung mayroon nga bang paraan para mapigilan ang pagputok ng isang bulkan.

Ilan sa mga tinanong nito ay kung maari nga bang butasin ang bulkan upang hindi na ito pumutok ng malakas at makapaminsala pa.

renato solidum 1

“I want to ask if the material used for rockets that can withhold heat in going to the moon explation can be used to drill holes on volcanoes. The lava will come out so that the volcano will not erupt. Is there a study on that?” tanong ni Romualdo.

“I’m so curious. Imagine, [space rockets] do not melt when they return from space. Why can’t we use it to drill holes so that volcanoes will no longer erupt?” dagdag pa niya.

Sinagot naman ito ni Solidum at sinabi na ang ideya ng mambabatas ay lubhang delikado at maaring mas pumutok pa ang bulkan kapag ito ay ginalaw.

“Even if one would tamper with the volcano, it may trigger an eruption, not stop it because the magma is more enormous than whatever trigger we want to do. We might not control it.” paliwanag ni Solidum.

Mount Hibok Hibok

“It might actually explode as we lessen the pressure. If we lessen the pressure of the volcano at the top, it might trigger the sudden rise of magma and it will explode. That’s why nobody has tried to do that,” dagdag pa niya.

Bago mamuno sa DOST ay halos apat na dekadang nanungkulan si Solidum para sa Phivolcs.

Hindi naman masisisi si Romualdo sa pagtatanong lalo na’t ang nasasakupan nito na Camiguin Island ay napakalapit sa Mount Hibok-Hibok na isa sa mga aktibong bulkan sa bansa.

Facebook Comments