John Amores, balik basketball matapos pumirma sa Zamboanga Valientes

Balik basketball ang dating Jose Rizal University (JRU) player na si John Amores matapos itong bigyan ng pagkakataon makapaglaro ng Zamboanga Valientes.

Sa kanilang inilabas na pahayag, sinabi ni Valientes team general manager Nino Natividad na isasali nila si Amores para sa darating na ASEAN Basketball League (ABL) sa susunod na taon.

Ayon sa kanila ang kinakailangan nila ang galing sa depensa ni Amores sa pagharap sa iba’t ibang koponan sa ABL.

zamboanga valientes 1

Sinabi naman ni Natividad na binibigyan lamang nila ng ikalawang pagkakataon si Amores na mapatunayan na siya ay nagbago na at hindi na muling manunugod ng kalaban na team.

“We at Valientes believe in second chances. He is a good player who made a mistake which he truly regrets. One mistake does not define who you are.” ani Natividad.

“Tingin namin, makakatulong siya sa team lalo na sa defense at outside shooting niya. Aabangan natin ang pag-angat ni Amores sa Valientes.” dagdag pa niya.

john amores zamboanga 1

Matatandaan na tinanggal si Amores sa kanyang dating basketball team dahil sa panunugod nito sa mga miyembro ng College of Saint Benilde noong nakaraang buwan.

Personal naman na humingi ng paumanhin si Amores sa mga miyembro ng CSB at nangako na magbabago na siya.

Dumadaan naman sa counseling at community service ang nasabing basketbolista na ang pangarap ay makapasok sa PBA balang araw.

Facebook Comments