‘Artistang Matanda’ Netizen pinag-usapan muli ang isyu sa pagitan ni Alex Gonzaga at Dina Bonnevie

Hindi mapigilan ng mga netizens na pag-usapan muli ang naging isyu sa pagitan ni Alex Gonzaga at Dina Bonnevie.

Ito’y matapos banggitin ni Alex sa kanyang podcast na ‘Ano Na Catherine’ ang isa sa mga pinakamasamang naging karanasan niya bilang isang artista.

Ayon kay Alex ay pinapalabas lagi sa mga panayam ng tinawag niyang ‘artistang matanda’ na siya ang masama sa nasabing insidente.

“There was a time in my early 20s. Pinagsisigawan ako ng artistang matandaPinagsisigawan nya talaga ko from head to foot. Kasi akala niya galing ako sa bahay tapos late lang ako. Di nya alam na galing ako sa work. Kasi siguro hindi sinabi sa kanya.”

“After how many years, she’s painting me as the bad guy. Na deserve ko. Yung pinapanood ko, I think ako yan. Parang yung kwento ko yung sinasabi nya. Pero parang mali yung kwento nya. Diba may mga ganun.

“May mga tao who did you wrong and then you won’t even talk about it. Parang you’ll just let it be. And then pag sila pa yung nagkwento, sila pa yung mabait [at] ikaw pa yung masama. And then naisip ko, panong dapat kong gawin pag ganun? And then ang daming uma-agree. Naisip ko, wala. Kasi alam ko naman yung katotohanan eh.” sabi pa niya.

Matatandaan na noong 2011 ay naiulat na nagkaroon ng matinding alitan si Alex at Dina sa gitna ng kanilang pagsasama sa isang soap opera.

“Hindi ko kayang mag-plastic. In the beginning pakikisamahan ko. But when I can’t take anymore, I have to tell the person ‘if you want to last in the industry, you have to be professional.’ Be mindful of your co-workers kasi hindi lang naman ikaw ang nagtatrabaho dito,” sabi sa panayam ni Dina noong 2011.

Binanggit din ito ni Dina sa isang panayam sa kanya noong 2018.

Ayon kasi sa beteranang aktres ay lagi silang pinaghihintay ng nasabing celebrity.

“Talagang sinabihan ko siya: ‘Who do you think you are? Are you famous? Who are you? What name you made? Have you carved your name in stone in showbiz?” ani Dina.

“Your call [time] is at 9 o’clock and you come down from your van at 12 o’clock na naka-pajama? Really? If you want to continue taping this soap like this, do it yourself.’… Lahat kami kasi — mga senior stars kami noon, talagang pinaghihintay niya kami lagi,” dagdag pa niya.

Wala pang pahayag si Dina sa sinabi ni Alex sa kanyang podcast.

Facebook Comments