Anak ni DOJ Sec. Boying Remulla tatakbo bilang mambabatas sa Cavite special elections

Tatakbo bilang mambabatas ng Cavite 7th District ang anak ni Department of Justice (DOJ) Sec. Boying Remulla sa special elections na gaganapin sa Pebrero 25, 2023.

Kinumpirma ng Commission on Elections (COMELEC) na tatakbo si Crispin Diego “Ping” Remulla sa ilalim ng National Unity Party (NUP).

Matatandaan na ang nasabing posisyon ang napanalunan ng nakakatandang Remulla noong nakaraang halalan ngunit binitawan niya ito kagad matapos siyang i-appoint ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang kalihim ng DOJ.

ping remulla 2
Larawan mula kay Ping Remulla/FB

Makakalaban ng nakababatang Remulla sina Jose Angelito Domingo Aguinaldo (Independent), Melencio Loyola De Sagun, Jr. (Independent), at Michael Angelo Bautista Santos (Independent).

Aktibo na sa politika ang nakababatang Remulla, hindi katulad ng kanyang kuya na si Juanito Jose Remulla III na matatandaang nahuli dahil sa pag-aangkat diumano ng ipinagbabawal na gamot.

Tumatayong Board Member ng 7th District si Remulla mula pa noong 2019.

“All registered voters from the Municipalities of Amadeo, Indang and Tanza, and the City of Trece Martires, will be participating in this electoral exercise, which is being held by reason of the existence of vacancy of the post of Representative for the said Legislative District as certified by the House of Representatives in its House Resolution No. 100 dated 27 July 2022,” ayon kay COMELEC spokesperson John Rex Laudiangco.

 

Facebook Comments