Kat Alano itinanggi na nagpapasikat siya sa gitna ng isyu ni Vhong Navarro: “It makes me laugh”

Itinanggi ng VJ na si Kat Alano na hindi siya nagpapasikat sa gitna ng mga akusasyon na nakikisabit ito sa isyu ng komedyante na si Vhong Navarro.

Matatandaan na napansin ng mga netizens na kada mayroong mangyayari sa kaso ni Vhong ay bigla na lamang naglalabas ng mga tweet si Kat tungkol sa diumano’y celebrity na humalay sa kanya.

Nitong Disyembre 6 lamang, kasabay ng pagpayag ng korte na makapagpiyansa si Vhong ay naglabas muli ng tweet si Kat kung saan ay sinabi nito na labis ang pagkalungkot niya.

“I feel sick. This is so wrong. It’s all wrong. Bahala na kayo Pilipinas. You deserve what you asked for. Sana hindi mangyari sa inyo to. It’s a nightmare that keeps going. Evil wins.” ani Kat.

kat vhong bail 1
Larawan mula kay Kat Alano/Twitter

Sa mga sumunod niyang tweet ay itinanggi niya ang mga sinasabi ng mga kritiko niya na nagpapasikat siya.

“I’m honestly so amazed at how many people are just cruel. They have no critical thinking skills. They think fame is super important. I’ve already been famous. It’s not real guys.” sabi ng VJ.

“It makes me laugh that people think I am trying to be famous. Ever wondered why despite all the articles about me, nobody has ever actually interviewed me and asked me personally?” dagdag pa niya.

 

kat tweet 1

kat tweet 2
Larawan mula kay Kat Alano/Twitter

Nagpakita naman ng suporta ang ilang netizens kay Kat at sinabi na naniniwala sila sa istorya nito.

Ngunit may ilan parin ang patuloy na hinahamon ang VJ na magsampa na ng kaso sa celebrity na kanyang pinapatamaan.

 

Facebook Comments