Deniece Cornejo inamin na nagpadala ng mensahe na ‘Bad Boy Ka!’ at ‘Sweetie’ kay Vhong Navarro

Hindi napabilib ng paliwanag ng kampo ng model na si Deniece Cornejo ang korte matapos siyang tanungin ng ilang mga bagay tungkol sa nangyari noong Enero 2014 sa pagitan nila ng akusadong si Vhong Navarro.

Sa nasabing desisyon ng Taguig Regional Trial Court Branch 69 nakita nila na mayroong tatlong bersyon ng istorya si Cornejo kung paano nangyari ang diumano’y panghahalay sa kanya ng komedyante.

Ayon sa una at ikalawang affidavit ni Cornejo ay walang nakalagay na mayroong nangyaring panghahalay noong Enero 17, 2014.

deniece cornejo.webp

Ngunit ayon sa ikatlong affidavit na ipinasa ng model ay hinalay na diumano siya ng aktor sa nasabing petsa.

Paliwanag naman ni Cornejo ay natakot lamang siya noon na isumbong si Navarro noong una diumano siyang hinalay nito dahil sa koneksyon ng komedyante sa media at sa mga politiko.

Kinuwestiyon din ng korte ang mga mensahe na ipinadala ni Cornejo kay Navarro matapos ang Enero 17 kasama na dito ang pagtawag ng model sa komedyante na “bad boy” at “sweetie”.

Hindi rin nakawala sa korte ang isa sa mga nakunan sa CCTV footage kung saan makikita na nakangiti at tila kinikilig ang model matapos ang diumano’y panghahalay sa kanya.

“what’s wrong with that.” sagot ni Cornejo habang nasa witness stand.

Dahil dito ay nagduda ang korte kung bakit iba ang emosyon na pinakita ni Cornejo sa ibang mga biktima ng panghahalay na dapat ay malungkot at nagpapakita ng takot.

“The foregoing statements of the complainant are, to the mind of this Court, inconsistent with her claim of trauma, and outside the reasonable expectations for someone who just underwent a painful ordeal,” sabi sa desisyon.

Hindi rin umano sigurado si Cornejo kung sinubukan nga ba siyang gamitan ng gamot ni Navarro upang makatulog siya.

 

Wala pang tugon ang kampo ni Cornejo tungkol sa naging desisyon ng korte.

Samantala ay masaya naman ang komedyante sa naging desisyon ng korte na bigyan siya ng pansamantalang kalayaan.

Inaasahan na magpapatuloy sa Pebrero sa susunod na taon ang pagdinig sa kaso ni Navarro.

 

Facebook Comments