Deanna Wong, nakitang kumakaway sa mga nakasalubong na fans sa gitna ng isyung kinakaharap

Naging usap-usapan sa mga nagdaan na araw ang Choco Mucho Flying Titans player na si Deanna Wong dahil sa diumano’y hindi nito pamamansin sa kanyang mga fans.

Matatandaan na kumalat sa social media ang ilan sa mga video na kuha sa Boracay kung saan makikita siya at ang kanyang mga kasamang professional volleyball player na tila hindi lumingon sa kanilang mga fans na sumalubong sa kanila.

Mayroon din isa pang video kung saan ay si Deanna lamang ang tampok at makikita na tila hindi nito pinansin ang isang fan na halos katabi niya lamang.

Hindi naman naglabas ng kanyang sariling pahayag si Deanna at mas pinili na lamang na magbakasyon kasama ang kanyang partner na si Ivy Lacsina sa El Nido, Palawan.

Makikita naman sa ilang video na kuha ng ilang fans ang pagkaway ni Deanna kasama ang kanyang partner sa mga sumasalubong sa kanilang mga fans.

Sakay ang dalawa ng tricycle habang ipinapakita nila ang pagmamahal at atensyon sa kanyang mga fans.

Ibinahagi ni netizen @beyudel ang nasabing video na ikinatuwa naman ng mga solid fans ng volleyball player.

https://twitter.com/beyuhdeI/status/1599740211252297730?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1599740211252297730%7Ctwgr%5E8712044f121f555ecdce146f1325866b8a879e26%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Fphilnews.ph%2F2022%2F12%2F07%2Fdeanna-wong-waves-smiles-to-fan-after-snubbing-issue%2F

“Salamat el nido! dedma na tayo sa boracay daming zombies don,” sabi ni netizen @conan111297.

“Yan ang gsto nla na buhay simple lang ung nag ineenjoy ang moment n magksma clang dlwa.cute nilang tignan na nakasakay cla sa sidecar.Yn ang hnd feeling sikat ksi hnd maarte at lhat pinapakisamahan nla. enjoy lng kayo jn deavy.masaya kmi na nakkita nmin kayo masaya love both,” wika ni @joannecastro_

 

 

Facebook Comments