BB. Gandanghari, umuwi na muli sa Pilipinas at nakipagkita sa kanyang ina: “Happiest to see my dearest mama in 7 years”

Matapos ang pitong taon na pamamalagi sa America ay muling umuwi sa kanyang bansa ang dating action star na si Rustom Padilla o mas kilala na ngayon bilang si BB. Gandanghari.

Ibinahagi ni BB sa kanyang Instagram ang kanyang paglapag sa bansa at ang kanyang pagpunta sa kanyang ina na si Eva Cariño.

“#justLanded: happiest to see my dearest mama in 7 years… yes, it was that long ago. How time flies?” sabi ni BB sa kanyang post.

Ilang netizens naman ang ikinatuwa ang pakikipagkita ni BB sa kanyang mga kamag-anak.

Inaasahan naman nila na makikipagkita din ito sa kanyang kapatid na si Sen. Robin Padilla.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BB. Gandanghari (@gandangharibb)

Matatandaan na simula ng iladlad nito ang kanyang totoong pagkatao ay nanirahan na ito sa America.

Nitong 2022 naman ay ganap nang naging isang American Citizen si BB matapos nitong makumpleto ang requirements na kinakailangan niya.

Ilan sa mga naging trabaho ni BB sa America ay ang pagiging accountant at driver.

Ilang buwan din itong nanahimik sa social media at nitong nakaraan lamang nag-post muli upang ipaalam ang kanyang pag-uwi sa Pilipinas.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BB. Gandanghari (@gandangharibb)

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Sen. Padilla kung alam niya ba na uuwi ang kanyang kapatid na matatandaan na naging kasamahan niya sa ilang action movies kasama na ang ‘Mistah’.

 

Facebook Comments