Asawa ni Jovit Baldivino, pumalag sa mga pekeng impormasyon tungkol sa singer: “Di kau nakakatulong”

Hindi maitago ng asawa ni Jovit Baldivino na si Camille Ann Miguel ang pagkadismaya sa mga kumakalat na balita tungkol sa unang winner ng Pilipinas Got Talent.

Matatandaan na kumalat sa ilang pahayagan nitong mga nakaraang araw na nawalan ng malay sa isang party sa Batangas City ang singer dahil sa diumano’y aneurysm.

Ayon pa sa ulat ay dumaan sa operasyon ang singer at ngayon ay nagpapagaling na sa Intensive Care Unit (ICU) ng Jesus of Nazareth Hospital sa parehong siyudad.

Nanawagan si Camille Ann Miguel sa mga pahayagan na sana’y huwag ng ikalat pa ang mga maling balita tungkol sa asawa niya kasama na dito ang pagkawala ng malay nito sa isang party.

“Sa Lhat po ng nag Popost sa asawa ko siguraduhin nyong tama ang post nyo at d kau nakakatulong lalo nyo pinalalala d kau nakakatulong matuto kau humingi ng permission..wag nyo pong palalain ang sitwasyon nya!!!!!!makapag post lng kau…prayers po ang kailangan nmn d ang maling post nyo!” ani Miguel.

camille ann miguel 1
Larawan mula kay Camille Ann Miguel/FB

Ngunit kinumpirma naman ni Miguel na na-ospital nga ang kanyang asawa ngunit hindi totoo na nahimatay ito sa isang party.

Hiling sana niya sa mga netizens ay ipanalangin na lamang ang singer at huwag ng magpakalat pa ng maling balita.

Samantala ay nagbahagi rin ito ng isang post kung saan ay humihiling ito na sana’y makatanggap sila ng “mabuting balita”.

camille ann miguel 2
Larawan mula kay Camille Ann Miguel/FB

Sa ngayon ay hindi pa kinukumpirma ni Miguel kung ano nga ba talaga ang nangyari sa singer.

 

Facebook Comments