Arnold Clavio, mungkahi na pondohan ang Maharlika SWF ng P203-B estate tax ng pamilya Marcos.

Mayroong mungkahi ang mamamahayag na si Arnold Clavio kung paano maaring mapondohan ang kontrobersiyal na P275-B Maharlika Sovereign Wealth Fund.

Sa kanyang post sa social media, sinabi ni Clavio na imbis na pondo mula sa mga pensioners ng SSS at GSIS kunin ang perang gagamitin sa Maharlika SWF ay mas mainam na gamitin na lamang ang P203-B estate tax na diumano’y utang ng pamilya Marcos.

“P203 B na estate tax … P275 B para sa Maharlika Wealth Fund … hmmm P72 B na lang ang kulang. Puwede na ba ?” ani Clavio.

Maari rin daw na hingian ng tig P100-M ang kada miyembro ng kongreso upang pondohan ito.

“Kung hihingan natin ang bawat mambabatas ng tig-p100 MILYONG PISO bawat isa . Nasa sa 250 (member of House of Representatives) o sumatotal ay makakalikom ng p25 B  Sakto lang.” aniya.

“Hindi pa magagalaw ang pension at insurance fund ng mga miyembro ng GSIS at SSS at siyang mainit na pinag-uusapan sa ngayon.” dagdag pa niya.

Kaya umaasa si Clavio na mapapabilis ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang imbestigasyon kung mayroon nga bang pananagutan ang pamilya Marcos na bilyon bilyong piso.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AkosiiGan😎 (@akosiigan)

Matatandaan na naungkat ang estate tax ng mga Marcos noong panahon ng kampanya.

Paliwanag naman ng kampo ng mga Marcos ay hindi pa maaring masabi na P203-B nga ang utang nilang buwis dahil sa hanggang ngayon ay dumadaan parin sa litigasyon ang nasabing isyu.

Sinabi rin ni Marcos na mas maganda na buksan na lamang muli ang nasabing kaso upang masolusyunan na ito.

“We’re actually encouraging that this finally be resolved because I don’t want to make a legal opinion for which I am not qualified. But rather to say that we were never allowed to argue because when this case came out we were all in the United States. So when it was the time for us to answer, we had no chance to answer because we were nakakulong in Air Force Base in Hawaii,” ani Marcos sa panayam sa kanya noon ni Toni Gonzaga.

“Now we are all here. Open the case and let us argue it. So that all of the things we should have been able to say in 1987, 88, 89, that we were not able to say… Iisa-isahin talaga namin ‘yung sinasabi naming property, kasi hindi maliwanag ang pag-aari ng mga property na sinasabi,” dagdag pa niya.

Facebook Comments