Vhong Navarro, sinundo na ng kanyang asawa na si Tanya Bautista matapos makapagpiyansa

Agad na sinundo ni Tanya Bautista ang kanyang asawa na si Vhong Navarro matapos payagan ang aktor ng korte na makapagpiyansa sa halagang isang milyong piso nitong Disyembre 6.

Sa ilang larawan na ibinahagi ng ABS-CBN ay makikita na magkasama na muli si Vhong at ang kanyang asawa.

Mapapansin sa mga larawan ang pagpayat ni Navarro matapos ang ilang buwan nitong pamamalagi sa kustodiya ng mga otoridad.

niko baua 1
Larawan mula kay Niko Baua/ABS-CBN

Ayon pa sa ulat ay kahit ang mga inmate na nakasama ni Navarro ay ikinatuwa ang balita para sa komedyante.

Sa ngayon ay binabalak ng aktor na magpahinga muna ng ilang araw sa kanyang tahanan kasama ang kanyang pamilya.

Nagbabalak din ito na bumalik sa pagiging host sa noontime show na It’s Showtime.

Inaasahan na magkakaroon ng homecoming si Navarro sa nasabing noontime show.

vhong tanya 2

Hindi muna nagpaunlak ng panayam si Vhong dahil sa pagod ito at kinakailangan munang magpahinga.

Ngunit ayon sa abogado ng aktor ay naiyak ito sa tuwa matapos malaman ang desisyon ng korte.

Ayon sa desisyon ni Judge Loralie Cruz Datahan ay nakitaan nila ng ‘inconsistencies’ ang mga testimonya ni Deniece Cornejo laban kay Navarro.

Ilan sa mga nakita nila ay ang diumano’y hindi magandang paliwanag ni Cornejo kung bakit hindi niya agad sinumbong ang ginawa sa kanya ni Vhong noong Enero 2014.

Patuloy rin diumanong nagpadala ng mensahe si Cornejo kay Vhong kahit na may ginawa na itong masama sa kanya.

Wala rin diumanong sandata si Navarro o ginawang pananakot kay Cornejo noong panahon na ‘yon.

 

 

Facebook Comments