Rendon Labador, may tugon sa pagtatanggol ng Flying Titans sa kanilang mga player: “Don’t tolerate your athletes!”

Nagbigay ng kanyang reaksyon ang motivational speaker na si Rendon Labador sa gitna ng inilabas na pahayag ng Choco Mucho Flying Titans kung saan ipinagtanggol nila ang kanilang mga player sa kontrobersiya na kinakaharap nila.

Matatandaan na kumalat sa social media ang ilang video ng mga miyembro ng Flying Titans kasama na si Deanna Wong kung saan makikita ang tila hindi nila pagpansin sa mga bumabati sa kanilang fans.

Isa si Rendon sa mga nagbigay ng reaksyon sa nasabing isyu kung saan sinabi nito na kailangan ng mga player ng Flying Titans na maturuan ng “good manners & right conduct”.

Ngunit sinabi ng Flying Titans na walang katotohanan na hindi lahat ng fans ay hindi pinansin ng kanilang mga player.

“The team was in Boracay recently for a short break after a busy year of heartbreaking finishes. A video clip from that trip went viral, with netizens portraying some of our players as snobs who lack “good manners and right conduct.” Unfortunately, what is not included in the viral clip are other videos online showing the player acknowledging and talking to fans, and accommodating selfies and videos with them while trying to have their break,” sabi ng team.

“The Team’s fans know how warm, respectful, appreciative, and accommodating the ladies are. While we acknowledge that our team could have handled that particular encounter in the video better, we denounce malicious posts that put our players, our team, and our company in a bad light. Posting these innuendoes only bring negativity to our volleyball community and put the wellbeing of our athletes at risk,”  dagdag pa nila.

Tugon naman ni Rendon, huwag na sana pang hayaan ang pinaggagawa ng kanilang mga atleta dahil sa ‘lumalaki’ lamang ang ulo ng mga ito.

“DON’T TOLERATE YOUR ATHLETES! Palibhasa ordinaryong tao lang yung nabastos, Kaya ang lalaki ng ulo ng mga athletes natin kasi kahit mali na pinag tatakpan parin,” ani Rendon.

“Huwag kaying mag focus sa napakaraming natutuwang supporters. Ibaba ang ego at humingi ng apology doon sa fan na nabastos. Kasi siya yung napahiya at nahighlight,” dagdag pa niya.

Sinabi rin nito na pati ang mismong team management ng nasabing team ay kailangan maturuan ng “Good Manners and Right Conduct”.

Wala pang tugon ang nasabing team sa banat ni Rendon.

Facebook Comments