Mensahe ni Deniece Cornejo para kay “Kuya Vhong”, balikan: “Ngayon panalo ka, pero matakot ka sa ikalawang buhay”

Matapos ang naging desisyon ng korte na pagbigyan na makapagpiyansa si Vhong Navarro ay muling pinag-usapan si Deniece Cornejo na siyang nagsampa ng kaso laban sa aktor.

Ilan sa mga pinag-usapan ay ang isa sa mga trending noong interview ni Deniece noong 2014 sa ngayo’y defunct ng programa na Startalk TX.

Matatandaan na sa parehong taon inakusahan ni Deniece ng panghahalay ang aktor na naganap sa isang condominium.

Noon pa lamang ay marami na ang panig kay Vhong at pinagduduhan kung totoo nga ba ang mga akusasyon niya.

deniece vhong 1 scaled

Sa nasabing panayam ay punong puno ng emosyon si Deniece habang ibinabahagi ang kanyang naging karanasan.

“Una po sa lahat, nauunawaan ko po dahil marami po ang nagmamahal at sumusuporta po kay Kuya Vhong, at trabaho lang po ng mga tao na… Sa mga media, gawin po yung trabaho po nila. Masakit pero kinakaya ko po,” ani Deniece.

“Hindi pa po naririnig, hindi pa po nabibigyang-pagkakataon magsalita ang mga taong naapektuhan, at biktima,” dagdag pa niya.

Nagbigay din ito ng mensahe para kay Vhong na tinawag niyang “Kuya”.

vhong 4
Vhong Navarro kasama ang grupo ni Cedric Lee

“Kuya Vhong, ngayon panalo ka. Pasensiya na, simple lang ako. Hindi ako makapangyarihan. Ngayon panalo ka, pero matakot ka sa ikalawang buhay. Ako handa akong ibuwis ang buhay ko, na nagsasabi ako ng katotohanan, hindi ako natatakot. Hindi po ako natatakot. E, mas ikakatakot ko ang ikalawang buhay diyan sa impiyerno.” aniya.

“Kung ikaw nasaktan diyan, mas matakot ka. Ako iyon ang kinakatakutan ko, e. Hindi ako nag-iimbento, dahil pag sinabi ko, kaya kong ihanda, ibuwis ang buhay ko dahil nagsasabi ako ng katotohanan.” dagdag pa niya.

Tinawag niya ring ‘tagasapagsagip’ ang negosyante na si Cedric Lee na matatandaang sinugod si Vhong sa nasabing condominium.

“Tinulungan nila ako, ipinagtanggol nila ako, kaya ito ang tamang oras para ipagtanggol ko sila. Hindi nila ito deserve. Kuya Vhong, hindi ‘to pelikula, totoong buhay ‘to. Oo, komedyante ka, pero lahat ng saya, merong dark side. May kalungkutan din na kailangan mong harapin.” sabi niya.

“Magpakalalaki ka dahil itong mga lalaki na ‘to, parang kapatid ko, nagpakalalaki. Magpakalalaki ka.” dagdag pa niya.

Ibinasura din noong 2014 ng Department of Justice (DOJ) ang kaso na isinampa ni Deniece laban kay Vhong.

Nabigyan naman ng kaunting pag-asa ang model noong buhayin ng Court of Appeals (CA) ang kaso nitong 2022.

Kusa namang sumuko si Vhong at ilang buwan din itong namalagi sa kustodiya ng mga otoridad habang dinidinig ang kanyang kaso.

Ngunit tila hindi muli pumabor kay Deniece ang tadhana dahil sa nabigyan ng pagkakataon si Vhong na magkaroon ng pansamantalang kalayaan.

Ayon kasi sa korte ay mayroon silang nakitang mga hindi pagkakatugma sa mga sinabi ni Deniece laban sa komedyante.

 

Facebook Comments