Korte, may nakitang hindi pagkakatugma sa mga pahayag ni Deniece Cornejo laban kay Vhong Navarro

Nakitaan diumano ng Korte ng ilang ‘inconsistencies’ o hindi pagkakatugma sa mga pahayag ng model na si Deniece Cornejo laban sa kinakasuhan niyang aktor na si Vhong Navarro.

Ito ang sinabi ng abogado ni Navarro na si Atty. Alma Mallonga sa panayam sa kanya sa ABS-CBN.

Ayon sa kanya ay napakahalaga na consistent ang mga testimonya ni Cornejo sa mga akusasyon niya laban kay Navarro ngunit nakita nila na hindi nagtutugma ang mga pahayag ng model.

deniece cornejo.webp

Kinumpirma naman ito ng korte at sinabi sa desisyon na nakitaan nila ng iba’t ibang bersyon ang mga kwento ni Cornejo.

“In all of these affidavits, the complainant gave different versions of the incident,” ayon kay judge Loralie Cruz Datahan.

Sinabi nila na hindi naipaliwanag ng mabuti ng kampo ni Cornejo kung bakit hindi agad nito isinumbong ang una diumanong insidente ng panghahalay ni Navarro noong Enero 17, 2014 ngunit hindi naman ito nagdalawang isip na i-report ang ikalawang insidente ng panghahalay na nangyari noong Enero 22, 2014.

vhong 2

Ayon pa rito ay nagpadala rin diumano ng mga mensahe si Cornejo kay Navarro kahit na dalawang beses na diumano itong hinalay ng komedyante.

“The foregoing statements of the complainant are, to the mind of this Court, inconsistent with her claim of trauma, and outside reasonable expectations for someone who just underwent a painful ordeal,” ayon sa judge.

Kinumpirma rin diumano ni Cornejo na walang dalang kahit anong sandata si Navarro at hindi rin siya tinakot ng komedyante ng nangyari ang insidente.

bail 1

Dahil sa mga pahayag ni Cornejo ay pinayagan na muna ng korte na makapagpiyansa si Vhong sa halagang P1,000,000.

 

Facebook Comments