Kat Alano sa gitna ng pagpayag na makapagpiyansa si Vhong Navarro: “I can’t stop crying. I feel broken and defeated.”

Nagdadalamhati ang VJ na si Kat Alano sa gitna ng naging desisyon ng korte na makapagpiyansa ang aktor na si Vhong Navarro sa kasong kinakaharap nito.

Nitong Disyembre 5, 2022 ay pinayagan ni Presiding Judge Loralie Cruz Dataman si Navarro na makapagpiyansa sa halagang P1-M para sa pansamantalang kalayaan nito.

“Wherefore, premises considered, the petition for bail is hereby GRANTED. The bail of the accused for his provisional liberty is hereby fixed at One Million Pesos,” ayon sa korte.

Kasabay ng nasabing balita ay nag-tweet muli si Alano at ibinahagi ang lubos na kalungkutan niya sa mga nangyayari.

“I feel sick. This is so wrong. It’s all wrong. Bahala na kayo Pilipinas. You deserve what you asked for. Sana hindi mangyari sa inyo to.” ani Alano.

“I can’t stop crying. I feel broken and defeated. Ayaw ko na talaga.” dagdag pa niya.

kat vhong bail 1

Matatandaan na ilang beses ibinahagi sa social media ni Alano na mayroon isang celebrity na diumano’y gumawa sa kanya ng masama.

Ngunit ayon kay Alano ay hindi niya na ito sinampahan ng kaso dahil sa makapangyarihan ang mga koneksyon ng nasabing celebrity.

Ilang netizens naman ang nagpakita ng suporta kay Alano sa gitna ng nangyayari.

“We share the disappointment but the public knew this ending. Which is the more that I pray the Holy Spirit to give you the courage to put justice where it should, based on your experience. Sana ito na yung panahon at pinto na kailangan para mapanagot ang dapat.” sabi ni @thisiscarlisle_

“Ipaglaban mo ang sa tingin mo tama. File a case. Sa totoo lang, mahinang kaso yung kay denise. Baka mas matibay ang ebidensya mo,” hamon ni @joiethestarfish.

Facebook Comments