John Amores, nakatanggap ng liham mula kay Vice President Sara Duterte: “Ipapa frame ko to”

Hindi maitago ng dating player ng Jose Rizal University basketball team na si John Amores ang pagkagalak matapos siyang makatanggap ng liham mula sa Office of the Vice President (OVP) ni VP Sara Duterte.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Amores ang larawan ng liham na balak niyang ipa-frame.

Ibinahagi rin nito ang ilan sa mga laman ng nasabing liham kung saan pinaalalahanan siya ng bise presidente na ang alalahanin niya ay ang mga natutunan niya matapos ang kontrobersyal niyang panunugod sa mga miyembro ng De La Salle-College of Saint Benilde noong Nobyembre 8.

READ: Basketball player na si John Amores, nanugod at nanakit sa laban ng JRU laban sa Benilde.

“It’s my pleasure receiving this kind of gesture from our Dearly VP Sarah Duterte  “Remember the lesson, not the mistake, You have a friend from the Office of the Vice President” ani Amores.

“It was a great honor Mam thank you for those words of encouragement 
Ps. Ipapa frame ko to as a remembrance na sa dami ng bashers at negative critics may isang tao na ipapaalala sayo na Mahalaga ka kahit di mo kaano ano. I wont lose hope, somewhere in between in the darkest season of my life there’s still a light,” dagdag pa niya.

john amores letter 1

Ilan sa mga kaibigan naman ni Amores ang binigyan din ng lakas ng loob ang player na matatandaang natanggal sa kanyang basketball team at ngayon ay humaharap sa kaso dahil sa kanyang mga nagawa.

“Di ako nagkamali sa Binoto,” sabi ng isa sa mga kaibigan ni Amores.

“Laging tatandaan tol MATA SA LANGIT PAA SA LUPA,” sabi pa ng isang kakilala ng basketball palyer.

Sa ngayon ay dumadaan sa counseling si Amores at makikita sa mga darating na buwan kung maari na nga ba itong maglaro muli ng basketball.

Nangako naman ito na pagbubutihin ang kanyang sarili.

Facebook Comments