VP Sara Duterte, pinalala na ‘voluntary’ lamang ang kontribusyon para sa School Christmas Party

Nagpaalala si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa mga magulang na hindi kinakailangan na magbigay ng pera ang kanilang mga anak para makadalo ito sa Christmas Party.

Ayon sa DepEd Order No. 52, sinabi na kinakailangan na ‘voluntary’ lamang ang pagbibigay ng ambag ng mga estudyante na gustong sumali sa Christmas Party.

“No learner or DepED personnel should be forced to contribute participate or use their money for the celebration,” sabi sa nasabing kautusan.

party 2

Dapat din siguraduhin ng mga guro na hindi magiging pabigat sa mga magulang at sa mga estudyante ang kanilang gagawing mga party.

“Gift-giving should be guided by the spirit of sharing and should not lead to extravagant spending.” sabi pa sa kautusan.

Ipinagbabawal din ni Duterte sa mga eskwelahan ang magarbong party.

order 1

order 2
Larawan mula sa Department of Education. 

Hindi rin maaring manghingi ang mga teacher o ang pamunuan ng eskwelahan ng pondo sa publiko o sa mga politiko.

“Celebrations in public schools and DepEd central and field offices should be simple yet meaningful, keeping in mind the true spirit of the season and the austerity called for by the difficult economic times,” wika niya.

Ikinatuwa naman ng mga magulang ang paglilinaw ni Duterte lalo na’t ang ilan sa kanila ay hirap na makahanap ng budget para sa Christmas party ng kanilang mga anak.

Matatandaan na ito ang magiging unang Christmas party ng mga estudyante simula ng mag-umpisa muli ang face-to-face classes.

 

Facebook Comments