Pamilya ng tatlong binatilyo na nasawi matapos diumanong umiwas sa police checkpoint, humihingi ng tulong

Todo ang pagdadalamhati ng pamilya ng tatlong binatilyo na nasawi matapos silang habulin at patumbahin ng mga otoridad matapos diumano silang umiwas sa isang police checkpoint.

Nakilala ang mga nasawing biktima na sina Arshad Ansa, Horton Ansa, and Samanodin Ali na diumano’y ‘nanlaban’ sa mga otoridad nitong Disyembre 2 ng madaling araw sa Lambayong, Sultan Kudarat.

lambayong 1

Ayon sa ulat ng pulisya ay umiwas ang tatlong binatilyo na sakay ng motorsiklo sa checkpoint kaya naman sinubukan ng mga otoridad na habulin ang mga ito.

Ngunit ng makorner na ito ng mga otoridad ay gumamit diumano ng armas ang tatlo kaya’t napilitan na depensahan ng mga pulis ang kanilang sarili na nagresulta sa pagkasawi ng mga binatilyo.

Nakuha diumano ng mga otoridad ang isang pakete ng ipinagbabawal na gamot at armas sa mga ito.

lambayong three 1

Itinanggi naman ito ng pamilya ng mga binatilyo na sangkot ang mga ito sa iligal na aktibidad.

Ayon sa kapatid ni Ali na si Sahaboden ay hindi nga marunong humawak ng armas ang binatilyo kaya’t napakaimposible na lumaban ito sa mga otoridad.

Kung titignan rin diumano ang ginawa sa mga tatlong binatilyo ay parang sinadya na itong patumbahin sa dami ng bala na tumama sa kanila.

“Hindi yan sumasali sa mga away.. Grabe ang takot niyan sa mga pulis, I have nothing against sa mga pulis pero ang mga pulis dito samin, paano nila nagawa ito sa kapatid ko at sa mga kasama niya,” tanong pa ni Sahaboden.

Suspetsa pa niya ay maaring nagmakaawa pa ang kanyang kapatid dahil sa may tama ito sa kanyang dalawang kamay.

Sa ngayon ay inumpisahan na ng PNP ang pag-iimbestiga sa nangyari.

Mayroon na ring mga grupo na inalok ng libreng tulong-legal ang pamilya ng mga binatilyo.

 

Facebook Comments