‘Oops!’ Arnold Clavio, may reaksyon sa pagtawag ni PBBM na ‘Joy Beltran’ sa Mayor ng Quezon City

Naging usap-usapan ngayon sa social media ang isa sa mga talumpati ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Disyembre 1 sa isang pagtitipon sa Quezon City.

Sa nasabing video ay maririnig si Pangulong Marcos na imbis na Joy Belmonte ay tinawag na ‘Joy Beltran’ ang alkalde ng Quezon City.

Makikita rin ang reaksyon ni Belmonte na tila nagulat sa pagkakamali ni Marcos.

“Ang ating butihing alkalde ng Quezon City, Mayor ng Quezon City.. Mayor Joy Beltran,” ani Marcos.

Hindi naman mapigilan ni PBBM na matawa sa kanyang pagkakamali at ipinagpatuloy na lamang ang kanyang pagtatalumpati.

Ayon naman kay Clavio ay lahat naman ng tao kahit ang mismong pangulo ay ‘nagkakamali’ rin.

Tinanggal din sa RTVM ang parte ng pagkakamaling ito ni PBBM.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AkosiiGan😎 (@akosiigan)

Ilang netizens din ang nagbigay ng kanilang opinyon sa pagkakamali ng pangulo.

“Kung c leni lutang, ano po tawag sa kanya?” tanong ni @mzsuzkkyy.

“Napaka sophomoric talaga. Can’t stand straight, can’t wear a semblance of formal clothing, can’t stand still. Did not review:”Ano pangalan ng mayor?” etc. Yan? They chose that over Leni?” sabi pa ni @JavierGris_

Hindi rin nagustuhan ng ilang netizen ang ginawa ni Marcos na hindi pagtatama sa kanyang pagtawag sa pangalan ng alkalde.

Matatandaan na hindi si Belmonte ang sinuportahan ni Marcos nitong nakaraang halalan kundi ang dating mambabatas na si Mike Defensor.

 

 

Facebook Comments