Matet de Leon, dismayado matapos gayahin ng ina na si Nora Aunor ang kanyang negosyo: “Wala na akong bebentahang Noranians”

Dismayado ang ampon ni Nora Aunor na si Matet de Leon dahil sa diumano’y paggaya ng superstar sa negosyo niya na gourmet tuyo at tinapa.

Sa panayam sa kanya nitong Linggo, sinabi ni Matet na hindi siya makapaniwala na makikipagkumpitensya sa kanya si Nora.

“Nung Wednesday, natutulog ako. Paggising ko, si mommy meron siyang message sa akin. Siyempre kapag si mommy nag-message sa akin, ‘Ay may message si mommy. Anong kailangan ni mommy? Kailangan ko attend-an ang pangangailangan ng mommy ko.’ Unang una kong nakita ay ‘yung mga sinend sa akin ng mommy ko na mga produkto nga niya,” ani Matet.

matet 1
Larawan mula kay @misismatet/Instagram

“Naloka ako talaga. Nag-hyperventilate ako. Kasi pagdilat na pagdilat ng mata ko, chineck ko ‘yung phone ko, pagkita ko, may message si mommy at ‘yun ang message niya sa akin. Hindi ko pa alam kung anong rason kung bakit niya sinend pa sa akin ‘yung pictures na iyan. Kasi hindi ko na siya gustong kausapin,” dagdag niya pa.

Ayon kay Matet ay ang desisyon ni Nora na magtayo ng kanyang sariling gourmet tuyo at tinapa ay lubos na makakaapekto sa kanyang negosyo dahil karamihan sa kanyang mga customer ay mga fans ng kanyang ina.

matet 3
Larawan mula kay @misismatet/Instagram

“Hindi naman para sa pag-agawan pa namin ang Noranians ‘di ba? Hindi naman ‘yun ang punto ko. ‘Mommy, huwag naman po kasi paano na? Wala na akong bebentahang Noranians. Sa ‘yo na bibili.’ Hindi naman po ‘yun. Marami naming tao sa Pilipinas at sa buong mundo na pwede naming pagbentahan,” wika niya.

gourmey 1
Larawan mula kay @misismatet/Instagram 

Pakiramdam tuloy ni Matet ay tila pinapamukha sa kanya na ‘ampon’ lamang siya.

“Para akong trinaydor, grabe ampon na ampon ‘yung pakiramdam ko ngayon. Ang lakas maka-ampon nung ginawa nila. Damang dama ko,” wika niya.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Nora tungkol sa pahayag ni Matet laban sa kanya.

Facebook Comments