Flying Titans, itinanggi na ‘snob’ ang kanilang mga players: “Fans know how warm, respectable, appreciative and accomodating the ladies are”

Palaban ang naging pahayag ng volleyball team na Choco Mucho Flying Titans sa gitna ng pagkalat ng ilang video sa social media kung saan makikita ang miyembro ng kanilang team na diumano’y hindi namamansin ng mga fans sa kanilang pagdating sa Boracay.

Sa kanilang pahayag, sinabi nila na ang pinapakalat lang ng ilang mga netizens ay video na tila pinapalabas na hindi namamansin ang kanilang mga player.

Ngunit ayon sa kanila ay hindi naman ibinabahagi sa social media ang ilang videos kung saan makikita diumano ang mga player ng Flying Titans na kinakausap ang kanilang mga fans sa nasabing isla.

choco mucho flying titans scaled

“The team was in Boracay recently for a short break after a busy year of heartbreaking finishes. A video clip from that trip went viral, with netizens portraying some of our players as snobs who lack “good manners and right conduct.” Unfortunately, what is not included in the viral clip are other videos online showing the player acknowledging and talking to fans, and accomodating selfies and videos with them while trying to have their break,” sabi ng team.

Binatikos din nila ang patuloy na pagpapakalat ng nasasbing video na tila pinapalabas na masama sila.

“The Team’s fans know how warm, respectful, appreciative, and accommodating the ladies are. While we acknowledge that our team could have handled that particular encounter in the video better, we denounce malicious posts that put our players, our team, and our company in a bad light. Posting these innuendoes only bring negativity to our volleyball community and put the wellbeing of our athletes at risk,” sabi pa nila.

318249017 152052944243028 665643371424880433 n

Hati naman ang reaksyon ng ilang netizens sa naging pahayag ng Flying Titans.

“You should fire whoever is the PR Team who made this statement,” sabi ni netizen Chuck.

“We suggest for your team to conduct a Personality Development Training.” wika ni netizen Shay.

“YOU CAN NEVER PLEASE EVERYONE ! Just do you. As long as wala kang tinatapakang tao.. Basta ako, Proud and love parin ang CHOCOMUCHO. especially, Boss Deanna Wong.” ani netizen Kel.

 

Facebook Comments