Deanna Wong walang imik sa mga kritiko niya, ipinagmalaki ang partner sa mga netizens

Hanggang ngayon ay wala paring imik ang Choco Mucho Flying Titans volleyball team player na si Deanna Wong sa pambabatikos na kanyang natatanggap.

Matatandaan na nakatanggap ng batikos sa iba’t ibang social media platforms si Deanna matapos itong makita sa isang video kung saan ay hindi ito nagbigay ng tugon sa mga fans na sumasalubong sa kanila sa Boracay Island.

Lalo pang tumindi ang natanggap na mensahe ni Deanna matapos kumalat ang isa pang video kung saan makikita ang diumano’y hindi pamamansin nito sa isang fan na halos isang minuto na siyang tinatawag.

READ: Sikat na volleyball player na si Deanna Wong, binatikos dahil sa pagiging ‘snobber’ nito sa isang fan.

deanna wong trending

Ngunit hindi na lamang pinansin ni Deanna ang mga kritiko niya at ipinagpatuloy ang kanyang pagbabakasyon sa El Nido, Palawan kasama ang kanyang girlfriend na si Ivy Lacsina.

“Making the night special just by being in it,” ani Deanna sa kanyang post nitong Disyembre 4.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Deanna Wong (@deannawongst)

Kilig na kilig naman ang mga fans ni Deanna sa pagmamahal na ipinapakita nito sa kanyang partner.

“Love ko kayo my Unbothered Couple. Magmahalan lang kayo Deanna at Ivy andito lang kmi na true fans nyo,” sabi ni @eulamaegayem.

“Bakit Nyo pinag tutuunan Ng pansin kung nd sikat. Ahahhaha walang sapilitan dito . Kung ayaw sa kanila edi don’t. Hahahaha stay strong stay Unbothered mga pi,” wika ni @camillala26.

“ENJOY LANG KAYO DYAN DEAVY KAMI NA BAHALA SA MGA UTAK TALANGKA,” mensahe naman ni @angelprejanroma.

Facebook Comments