Babae sa Zamboanga na sinisingil ng lending, hindi mapigilan na magwala

Kumakalat ngayon sa social media ang video na ibinahagi ng isang debt collector matapos magwala ang isa sa kanilang mga sinisingil ng utang.

Makikita sa video ng uploader na si Romar Abatay Matas ang pagwawala ng babae habang sinisingil nila ito sa kanyang tindahan.

Tila walang balak ang nasabing babae na mag-abot ng kanyang bayad sa mga collector at makikita na nanghagis pa ito ng mga gamit sa loob ng kanyang tindahan.

Maririnig naman na sinasabihan ang babae sa mga maaring kaharapin nito kung hindi siya magbabayad ngunit patuloy parin ang pagiging palaban nito.

Sa huli ay wala ng nagawa ang mga kolektor at umalis na lamang upang maiwasan pa ang mas matinding gulo.

Ilang netizens naman ang nagbigay ng kanilang opinyon sa nasabing video.

“Come on, you’re going to lend, so you’re going to have to pay for it, and look for money,” sabi ni netizen Kieynans Gonzaga.

“Hirap din yung mga nag papautang sinugal na nga pira nila sa kunting tubo para kumita din tas yung pinautang lalo na malaking halaga ang inutang tas pag siningil galit masama na yung naniningil ako pag umutang ako malaki ang pasalamat ko dahil sa tiwala ng nagpautang pangalawa nakatulong sa pangangailangan ko kaya kungutang tayo obligahin natin mabayaran ang inutangan natin,” sabi ni Lorna Limbo.

“Wag na yung nag pautang siya pa ang nag ka problima dahil sila ang nag bibigay na maka survive tayo sa ating pagkagipit dahil kung hnd sa kanila nag papautang nganga tayo at ano gagawin natin yung utak natin sasabog kung paano malulutas ang pangangailan mo ng pira sa problima mo,” dagdag pa niya.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang lending company na inutangan ng nasabing babae.

Facebook Comments