Rica Peralejo, sinagot ang fan na hindi niya pinansin: “Tao lang kami. We also doing normal people things”

Usap-usapan ngayon sa social media ang hindi pamamansin ng isang team ng mga volleyball player sa kanilang mga fans nitong mga nakaraang araw.

Kaya naman hindi maiwasan ng ilang netizens na balikan ang ilan sa mga kilalang celebrities na diumano’y hindi sila pinansin.

Isa na dito si Rica Peralejo na hindi maiwasan bigyan ng mensahe ng kanyang fan upang ipaalala ang hindi pagpansin ng aktres sa kanya noong nagkita sila sa isang mall.

rica peralejo 1 2 1 scaled

“Ayoko sayo dati as artista kasi nagkasalubong tayo sa moa nagsuplada ka. Pero as I mature. I realized tao ka din,” sabi ng netizen.

Pinasalamatan naman ni Rica ang nasabing netizen at ipinaliwanag niya na hindi lahat ng oras ay kaya niyang pansinin ang mga taong nasa paligid niya.

Paliwanag ni Rica ay isa siyang ‘introvert’ o ‘yung tao na likas na mahiyain kaya naman hirap siya minsan na makihalubilo sa mga tao.

rica 2

Ayon sa kanya ay hindi naman niya ginusto na hindi pansinin ang kanyang mga fan ngunit may mga panahon talaga na hindi sapat ang kanyang oras.

Gusto rin umano ni Rica na mayroon siyang sapat na oras para sa kanyang mga fans.

Bilang isang artista ay kagustuhan rin naman daw nila na mamuhay ng normal katulad ng ibang mga tao.

“Tao lang din kami. When we’re out, we’re actually doing normal people things.” ani Rica.

Inulan naman ng papuri sa social media si Rica at ginamit din ang kanyang pahayag ng mga fans ng Choco Mucho Flying Titans upang ipagtanggol ang kanilang mga paboritong atleta.

Hindi naman malaman kung ‘introvert’ din nga ba ang lahat ng miyembro ng nasabing volleyball team kaya’t hindi sila namansin ng mga fans.

Facebook Comments