Kuya Kim Atienza, nairita sa ginawa ng Choco Mucho Flying Titans: “I hope they are advised by their sponsors”

Hindi maitago ni Kim Atienza ang pagkalungkot sa ginawang hindi pamamansin ng mga miyembro ng Choco Mucho Flying Titans sa mga sumalubong sa kanilang fans sa Boracay.

Matatandaan na sa video na ibinahagi ng isang netizen ay makikita ang nasabing volleyball team na binabati ng ilang mga fans ngunit hindi man lang sila pinansin ng mga nasabing atleta.

Napanood ni Kuya Kim ang nasabing video at sinabi na dapat ay magsilbing inspirasyon ang mga atleta at magpakita ng pasasalamat sa kanilang mga fans.

317656113 614931010382093 5080074992850843505 n

Ayon sa kanya ay dapat paalalahanan ng nasabing team ang kanilang mga player na maging maayos pagdating sa pakikitungo sa kanilang mga fans.

“As public personalities, (yes athletes are also public figures) We have a choice to inspire and show gratitude to fans who passionately support us, or we can choose to stay private and give them the cold shoulder.” ani Atienza.

“This team should be advised that catering to fans is a responsibility, otherwise, stay out of the public eye and play privately. What an irritating yet sad sight. I hope they are advised by their sponsors to act properly in public. Back to you guys.” dagdag niya pa.

kuya kim atienza 2
Larawan mula kay Kuya Kim Atienza/FB

Sa ngayon ay wala paring pahayag ang nasabing team tungkol sa kinakaharap nilang isyu kaya naman lalo laman patuloy parin ang mga netizens sa pagbatikos.

“Tagal ko na napapansin yan. Like sobrang hirap ba ngumiti at mag hi sa mga taong sumusuporta sainyo. I know may mga bad times din pero kasi ilang beses ko na nakita na ganyan yan sila. Naaawa ako sa mga fans nila.” sabi ng isang netizen.

“Naglakihan na ata mga ulo nung iba jan sa choco mucho tsk tsk nakakawalang gana….. Simpleng smile at kaway lang dipa magawa….. SNOBBERS dapat pangalan ng team,” wika naman ni Morris Ansay.

Facebook Comments