Kuya Kim Atienza, binatikos dahil sa post nito laban sa Flying Titans volleyball team: “Athletes are not celebrities”

Inulan ng batikos sa Twitter ang television host na si Kim Atienza matapos itong magbigay ng komento sa isang viral video kung saan makikita ang hindi diumano pamamansin ng isang professional volleyball team sa sumasalubong sa kanilang mga fans.

Matatandaan na binatikos ni Kuya Kim ang nasabing volleyball team at pinaalalahanan na maging mabuti ang pakikitungo nila sa kanilang mga fans lalo na’t mayroon silang dinadalang pangalan at brand.

Ayon kasi kay Kuya Kim ay maituturing na ring ‘public figures’ ang mga atleta kaya naman kailangan nilang maging mabuting halimbawa.

“As public personalities, (yes athletes are also public figures) We have a choice to inspire and show gratitude to fans who passionately support us, or we can choose to stay private and give them the cold shoulder. This team should be advised that catering to fans is a responsibility, otherwise, stay out of the public eye and play privately. What an irritating yet sad sight. I hope they are advised by their sponsors to act properly in public. Back to you guys,” ani Kuya Kim.

kuya kim atienza 2
Larawan mula kay Kim Atienza/FB

Ngunit ilang netizens ang hindi ikinatuwa ang mensahe ni Kuya Kim at sinabi na hindi maaring tawaging public figure ang mga atleta.

“Kuya Kim, these are athletes, not celebrities. They are volleyball players, not actors. It’s their off-season, which is their only time to rest and recover. Instead of telling them how to treat fans better, why not tell fans to set boundaries? A little empathy would be nice,” sabi ni netizen @NotDKPodlesnykh.

“I’LL REPEAT THIS AGAIN, THESE ATHLETES OWE YOU NOTHING. TIGILAN NIYO SENSE OF ENTITLEMENT NIYO,” sabi pa niya.

not dk 1

Isa namang netizen ang ginamit ang isang video ni Rica Peralejo upang ipaalam kay Kuya Kim na gusto rin naman ng mga sikat na personalidad na maging normal.

“You do not know any of those girls on a personal level. What if one of them gets anxious when surrounded by people during her personal time? And if one says yes to photos or says hi, it would mean she, too, would have to do it despite her mental state?” sabi ni @benggadora08.

“You have to understand that the gift these athletes give us are on the court. The way they train. The way they play. Whatever extra it’s their choice to give or not give. Kung gusto nilang panoorin niyo sila 24/7 edi sana nag PBB sila. Leave them alone.” dagdag pa niya.

Noon pa lamang ay mainit na ang dugo ng mga taga Twitter kay Kuya Kim dahil sa diumano’y pagsuporta ni kay PBBM at sa pag-alis nito sa ABS-CBN sa gitna ng pagkawala nito ng prangkisa.

 

 

Facebook Comments