Edwin Jamora, pinaalala sa mga Kakampink na isinulong din ni Bam Aquino ang ‘sovereign wealth fund’

Isang US-based accountant ang pumalag sa kritisismo na natatanggap ngayon ng isinusulong na ‘Maharlika Sovereign Wealth Fund’ sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Edwin Jamora na noon pa lamang pala ay isinusulong na ng isa sa mga miyembro ng oposisyon na si dating Sen. Bam Aquino ang pagkakaroon ng sovereign wealth fund ng bansa noong 2016.

Maliban kay Aquino ay isinulong rin ito noon ni Sen. JV Ejercito noong 2018.

Ipinakita ni Jamora ang SB 1212 na ipinasa noon ni Aquino na tinawag na “Philippine Investment Fund Corporation Act” kung saan ay isinusulong ang paggawa ng isang “Philippine Sovereign Wealth Fund”.

“So, dati na pala siyan na-propose nina Bam and JV. So, anong problema ng mga Dilawan, Kakampinks at mga Kumunista?” tanong ni Jamora sa kanyang Facebook post.

Ayon sa isinusulong ni Aquino ay kailangan maglaan ang gobyerno ng P200-B na kukunin sa national budget ng bansa.

Samantala ay ang isinusulong naman na Maharlika SWF ay kukunin ang P250-B na pondo nito sa SSS, GSIS, Land Bank, at iba pang Government-owned and controlled corporation (GOCC).

Kaya naman nagtataka ito kung bakit walang pumalag noong isinulong ni Aquino ang pagtatatag ng SWF.

Ipinagtanggol din ni Jamora na magandang ideya ang pagtatag ng sovereign wealth fund upang mabigyan ng karagdagang kita ang gobyerno.

“If you remove trust issues, the possibility of corruption, and the politicization of MWF via appointees, the Maharlika Fund is a great idea.” ani Jamora.

“Suppose the MWF is run efficiently, and the funds are invested in high-yielding securities, minimal fund expenses, and none of those million peso director salaries and bonuses.

In that case, this fund could generate enough revenues to fund the nation’s retirement and become a source of funding for other state projects or even a possible source of funds to pay our national debts.” dagdag pa niya.

Ibinahagi rin nito na naging matagumpay ang sovereign wealth fund sa mga bansa katulad ng Norway.

Facebook Comments