Netizen, ipinagmalaki ang nabili niyang isda at gulay sa halagang P500: “Wag kasi sa supermarket mamili!”

‘Diskarte’ yan daw ang sikreto ng isang netizen sa patuloy na pagtaas ngayon ng mga bilihin sa merkado.

Sa kanyang tweet, ibinahagi ni Crossed Eye Tonya na napagkasya niya ang 500 pesos upang makabili ng galunggong at iba pang gulay na kanyang gagamitin para sa kanyang ulam.

Ayon sa kanya ay nabili niya ang mga ito sa Divisoria.

“Kauwi ko lang galing Divisoria dala ko ay P500, nakabili ako ng gusto kong ulamin today ang Paksiw na GG. May sukli pa akong P30 pambili ng samalamig na melon.” sabi ng netizen.

“P240 sariwang GG at gulay ko madami sa halagang P230 lang. Wag kasi sa supermarket mamili at wag magpanggap na sosyal,” dagdag pa niya.

Matatandaan na uso ngayon sa social media ang larawan ng mga napamili ng ilang netizens upang ipakita kung gaano na nga ba kataas ang presyo ng bilihin sa merkado ngayon.

Karamihan ng mga larawan na ibinabahagi sa social media ng mga netizens ay kuha sa mga supermarket.

Ngunit ilang netizens ang pumalag sa mensahe ni Tonya at sinabi na kahit sa ibang palengke ay mahal na ang bilihin.

Hindi rin lahat ng palengke ay ka-presyo ng mga bilihin sa Divisoria na maituturing na bagsakan ng mga suplay ng gulay, isda at karne.

“Sige sa Divisoria ako mamamalengke galing Binangonan,” sabi ni netizen Reeza Belo.

“Kawawa naman yung mga sumasahod ng 547 na minimum wage sa pinas. Sweldo nila sa isang araw pang isang ulam lang,” ani Rere Sy.

“Lahat ba ng palengke kasing presyo ng Divisoria? . Sige nga sabihin mo yan sa nakatira sa Muntinlupa at papuntahin mo ng Maynila. Ung 30 mong sukli kulang pa sa pamasahe niya.” wika naman ni Sam Magracia.

Facebook Comments