Laban ni John Riel Casimero kay Ryo Akaho, nagtapos sa ‘no contest’ dahil sa pananakit ng ulo ng Hapon

Tila naging puno ng drama ang naging laban ng kababalik pa lamang sa boxing na si John Riel Casimero sa kanyang katunggali na si Ryo Akaho ng Japan.

Ang sana’y matagumpay na pagbabalik ni Casimero sa boxing ay napalitan ng pagkadismaya mula sa mga boxing fans ng biglang ideklara ang laban nila ni Akaho bilang ‘no contest’.

Ibig sabihin nito ay walang nanalo kila Casimero at Akaho.

akaho 1

Makikita sa laban na ginanap nitong Disyembre 3 sa Incheon, South Korea na nakakalamang na si Casimero laban sa kanyang kalaban na Hapon.

Sa kalagitnaan ng second round ay nagpakawala ng mabibigat na kombinasyon si Casimero at isa dito ay tumama sa ulo ni Akaho.

casimero 2

Dahil dito ay nagreklamo si Akaho sa referee sabay hawak nito sa ulo upang ipaalam na masakit ang kanyang ulo dahil sa pagtama ng kamao ni Casimero sa kanyang batok.

Nagdesisyon ang referee na pagpahingahin muna si Akaho ng limang minuto at makikita na tila nagbubunyi na si Casimero dahil sa akala niya’y mananalo siya sa pamamagitan ng TKO.

casimero 3

Ngunit sa gulat ng lahat ng boxing fans ay idineklara na lamang na ‘no contest’ ang laban.

Ayon sa ilang eksperto hindi direktang tumama ang kamao ni Casimero sa batok ni Akaho kaya’t hindi na-disqualify ang Pilipinong boksinghero.

Dahil dito ay tila nasayang lamang ang naging laban ni Casimero dahil sa hindi ito nanalo o natalo sa kanyang laban.

Halata ang pagkadismaya sa mga fans dahil sa naging desisyon ng referee.

“Nakita lng ni akaho un aksyon nun referee na mag ingat sa batok.. Bigla na naging best actor kasi naramdaman un lakas ni casimiro nun una yabang pa niya ndi nman na knockdown si casimiro. Nun siya na nakatikim ng bagsik ni casimiro naging artista na haha,” sabi ni netizen Eduard Daniela.

“Luto! Pabgasak na at hilo n. Hindi tumama sa batok yung gloves. Tapos umarte na nung nagwarn yung ref kay Casimero.” wika ni Paolo Buendia.

“Dina cya tatagal kaya gumawa na cya ng drama para maging best actor cya.” ani Rene Bong Laxamana.

Facebook Comments