Nagbigay ng kanyang babala ang kilalang abogado na si Atty. Ferdinand Topacio matapos mag tweet ang netizen na si Clive Reyes Jr. laban kay House Speaker Martin Romualdez.
Matatandaan na binalaan ni Topacio si Reyes Jr. tungkol sa kanyang tweet kung saan tinawag niyang ‘magnanakaw’ ang pamilya ng Speaker.
“Hi Clive. Someone from the House [of Representatives] just called me. You might be hearing from us soon. Have a nice evening.” ani Topacio.
Agad namang binura ni Reyes Jr. ang nasabing tweet ni Topacio na agad na napansin ng ilang netizens.
Makikita rin na nagbigay ng mensahe si Reyes kay Topacio at tinawag itong ‘troll’.
Sa kanyang tweet naman ay sinabi ni Topacio na akala ng ilang netizens ay ‘laro’ lamang ang paninira ng kapwa hanggang sa dumating ang ‘subpoena’ laban sa kanila.
“So many wokes think it’s fun to criminally malign people online. Until they receive their first subpoena and have to hire a lawyer. That’s when they realize that it’s not a game. Tip: you wouldn’t want to deal with lawyers; we’re a**holes,” babala ni Topacio.
Hindi naman malaman kung ito ba ang tugon ni Topacio sa tila pagiging palaban ni Reyes Jr.
Sa ngayon ay hinimok naman ng mga fans ni Topacio na kasuhan na ang si Reyes at huwag itong i-atras kahit humingi ito ng paumanhin.
Wala pang tugon si Topacio sa mga netizens na nagtatanong kung ano nga ba talaga ang balak niya kay Reyes.