Arnold Clavio, may reaksyon sa Maharlika Wealth Fund: “Sakaling ito ay matuloy kawawa naman ang miyembro ng SSS at GSIS”

Nagbigay ng kanyang reaksyon ang mamamahayag na si Arnold Clavio sa isinusulong na P250-B Maharlika Sovereign Wealth Fund sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa kanyang ’tilamsik’ ibinahagi ni Clavio ang ilan sa mga agam-agam tungkol sa nasabing sovereign wealth fund na popondohan mula sa mga Government Service Insurance Service (GSIS), Social Security System (SSS), Land Bank of the Philippines (LDP) ay Development Bank of the Philippines (DBP).

Isa sa mga ibinahagi ni Clavio ay ang opinyon ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio na tinawag na ‘unconstitutional’ ang pagpondo ng Maharlika SWF sa pamamagitan ng paggamit ng pera na mula sa kontribusyon ng mga miyembro ng SSS at GSIS.

romualdez 1 e1670078871718

“Hindi maaaring ibigay ng batas ang kita mula sa pondo ng SSS at GSIS sa mga hindi miyembro na hindi nag-ambag sa pondo. Ito ay pagkuha ng pribadong ari-arian para sa pampublikong layunin nang walang makatarungang kabayaran, na LALABAG SA KONSTITUSYON,” ayon kay Carpio.

Tinawag na ‘kawawa’ ni Clavio ang mga miyembro ng SSS at GSIS kung sakali man na matuloy ang planong ito.

Ibinahagi rin nito ang mga isyu na kinaharap ng ilang bansa na gumawa rin ng sovereign wealth fund katulad ng Malaysia.

“Sakaling ito ay matuloy kawawa naman ang 40.49 milyong miyembro ng SSS at 2.53 milyong miyembro ng GSIS na di isinama sa konsultasyon,” sabi ng mamamahayag.

“Sa ibang mga bansa, ang mga pondo ng sovereign wealth ay hindi rin nakaligtas sa KORAPSYON at napunta sa mga bulsa ng mga opisyal ng gobyerno.” dagdag niya pa.

Sinabi ni Clavio na hindi pa napapanahon para magtatag ang Pilipinas ng sovereign wealth fund lalo na’t malaki ang utang ng Pilipinas.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AkosiiGanšŸ˜Ž (@akosiigan)

Sa ngayon ay mayroon ng 100+ likes ang nasabing post.

Facebook Comments