Roderick Paulate, sinentensyahan ng hanggang 62 taon na pagkakakulong

Sinentensyahan ng Sandiganbayan ng pagkakakulong ng hanggang 62 na taon ang komedyante at dating konsehal ng district 2 Quezon City na si Roderick Paulate.

Ito’y matapos makitang guilty si Paulate sa one count of graft at nine counts of falsification of documents dahil sa diumano’y pagkuha nito ng mga ghost employee noong 2010 sa gitna ng kanyang termino bilang konsehal.

Maliban pa dito ay pinagbabayad din ng P90,000 si Paulate dahil sa kanyang ginawang pagpapalsipika ng mga dokyumento upang makakuha diumano ng mga ghost employee.

roderick paulate 1

Pinagbabayad din ng P1.109-M si Paulate sa nakuha nitong pera sa Quezon City Government.

Ayon sa korte ay nakita nila na:

  1. job order employees have no records of birth;
  2. none of the job order employees have requested a National Bureau of Investigation (NBI) clearance;
  3. the job order employees could not be located at their given residences;
  4. the job order employees were not registered voters of their respective barangays; and
  5. the job order employees have no record in the schools where they allegedly attended

roderick paulate 2

Habambuhay na rin na hindi makakatakbo sa public office ang komedyante.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang komedyante tungkol sa desisyon ng korte laban sa kanya.

Si Paulate ang isa sa mga itinuturing na pinakamagagaling na aktor ng kanyang panahon at tinagurian din ito na ‘Rick Astley’ of the Philippines dahil sa malalim nitong boses sa pag-awit.

Tumakbo noong 2019 si Paulate bilang Vice Mayor ng Quezon City noong 2019 ngunit hindi ito pinalad na magwagi.

Matatandaan rin na tumakbo si Paulate bilang konsehal sa ilalim ng ticket ng tambalang BBM-Sara nitong nakaraang halalan ngunit natalo muli ito.

Facebook Comments