Kamille Cal, sa mga netizens na binabatikos ang hindi pamamansin ng Flying Titans sa Boracay: ‘Hayaan niyo silang mag enjoy’

Nagbigay ng kanyang reaksyon ang college volleyball player na si Kamille Cal tungkol sa isyu na kinakaharap ngayon ng Choco Mucho Flying Titans.

Sa kanyang pahayag, sinabi ng UP Fighting Maroons volleyball player sa mga fans na dapat ay intindihin din nila ang sitwasyon ng Flying Titans na maaring gusto lamang makapag-relax.

“Baka kasi gusto lang nilang mag-enjoy lang,” ani Cal. “Hayaan mo silang mag enjoy kasi ‘yun lang ‘yung only time nila para mag relax, [at] hindi nag-iisip ng mga fans,” 

313282512 592012166007311 8169285834599537807 n

“Hindi nag-iisip ng expectations from people who doesn’t even know how hard they work. Baka gusto lang nila ng alone time as a team,” dagdag pa niya.

Ayon pa sa kanya ay mas maganda na hayaan na lamang ng mga volleyball fans na makapag-enjoy sa Boracay ang nasabing team.

“Minsan ang taong sikat, mga idolo niyo, gusto din ng pribadong buhay,” aniya.

camille cal 1 e1669973874894
Larawan mula kay Kamille Cal/Instagram

Matatandaan na inulan ng batikos sa social media ang nasabing team dahil sa video na ibinahagi ng isang netizen kung saan makikita na tila walang imik ang mga ito habang tinatawag ng ilan sa kanilang mga fans.

Ilan sa mga netizens ang hindi mapigilan tanungin kung gaano nga ba kasikat ang nasabing team upang hindi pansinin ang kanilang mga fans.

“Hahaha..ganyan n kataas ulo nyo?prang may nkasuot n crown bwaahaha..konting kaway lng pinagdamot pa,” sabi ng isang netizen.

Ngunit may ilan ding solid fans ang ipinagtanggol ang Flying Titans at sinabi na hindi ang mga fans nila ang ipinunta nila sa Boracay.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang Flying Titans tungkol sa isyu.

Facebook Comments