Dennis Padilla may mensahe sa dating asawang si Marjorie Barretto: “Sana mabigyan tayo ng chance na makapag-usap”

Nagbigay ng kanyang mensahe ang aktor na si Dennis Padilla para sa kanyang dating asawa na si Marjorie Barretto.

Matatandaan na ibinahagi ni Dennis sa isang panayam na ang tanging hiling niya ngayong darating na pasko ay ang makausap at makita niya ang kanyang mga anak na sina Julia, Claudia at Leon.

dennis marjorie 1

Ayon kay Dennis ay ito na ang tamang oras para sa kanila ni Marjorie na magkita ng personal upang sa gayon ay malinawan ang mga bata sa kung ano nga ba talaga ang nangyari.

“Marjorie, sana mabigyan tayo ng chance na makapag-usap para maliwanagan yung mga bata.” ani Dennis sa panayam sa kanya ng Pep.ph.

julia dennis 2

“Kung anuman yung mga pagkukulang noon, yung mga pagkakamali noon, huwag na nating ungkatin. At siguro magiging maganda yung blessings nitong darating na taon kung malalaman ng mga anak natin na wala nang hatred amongst us. Kasi, kahit ano ang mangyari, hanggang sa dulo ng mundo, we will remain as the father and mother of our children.

“So, kalimutan na natin ang mga hindi pagkakaunawaan. Alam ko naman na masaya na rin kayo sa buhay ninyo, pero siguro, madadagdagan ang happiness na yan at saka mas marami ang positive na darating kung malalaman ng mga anak natin na civil tayo sa isa’t isa.” sabi pa niya.

julia dennis 1 e1663608920457

Matatandaan na noong 2007 naghiwalay si Dennis at Marjorie at inako naman ng aktor na kasalanan niya kung bakit nasira ang relasyon nila.

Simula non ay hindi na maganda ang naging relasyon ng aktor sa kanyang mga anak.

Kadalasan ay hindi pa nga makaiwas ang aktor sa pambabatikos ng kanyang mga sariling anak.

 

 

Facebook Comments