Choco Mucho volleyball team, binatikos dahil hindi man lang namansin ng mga bumabati sa kanila

Dismayado ang ilang netizens matapos kumalat sa social media ang isang video kung saan makikita ang tila hindi pamamansin ng mga miyembro ng professional volleyball team na Choco Mucho Flying Titans.

Sa video na ibinahagi ni Anna Leah Aranillia ay makikita ang nasabing volleyball team habang papunta sila sa Boracay.

Tuwang tuwa na sana ang ilan sa mga fans ng nasabing team ngunit tila kahit ilang beses nilang tawagin ang mga miyembro ng Flying Titans ay hindi sila pinapansin.

313282512 592012166007311 8169285834599537807 n

Makikita na ilang beses binati ng uploader ang mga miyembro ng Flying Titans ngunit ni isa man lang ay walang pumansin dito.

Ilan sa mga bumatikos sa nasabing team ay ang motivational speaker na si Rendon Labador na sinabing dapat ay hindi lamang skills sa volleyball ang ituro sa mga ito.

“Sino po ang coach nitong mga ito? Dagdagan pa natin ng konti pang training sa good manners & right conduct,” aniya.

Ilang mga netizens din ang pinuna ang hindi pamamansin ng mga ito.

“Parang hindi nageexist ang mga fans para sa kanila eh,” sabi ni Jingle Villaroel.

“Bkit nmn d cla namamansin sa fans  yong tipong tuwang tuwa ka na makita cla at kahit kunting pansin mn lng Sana malking tuwa na un para sa aming mga humahanga kaso no pansin, edi kayo na sikat,” ani Cecel Dante.

Pero may ilan din na nagtanggol ang nasabing team at sinabi na maaring gusto lamang nilang maging pribado.

“Nagpunta sila ng Boracay para mag relax at mag enjoy hindi yong pagkakaguluhan ng mga tao… pag pinansinan nila ang isa jan sa mga fans kunwari magpapa picture pagkakaguluhan lang sila,” wika naman ni Melette Mascarina.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang Flying Titans tungkol sa nangyari.

Facebook Comments