AJ Raval tinawag na ‘siraulo’ ang mga taong nagpapakalat na siya ang nanganak na

Mayroon lamang maiksing mensahe ang aktres na si AJ Raval sa mga patuloy na nagpapakalat ng balita na siya ay nabuntis at ngayo’y nanganak na.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Senyora ang maiksing pag-uusap nila ni AJ matapos kumalat ang balita na siya ay nanganak na kaya’t hindi parin ito nagpapakita sa publiko.

Matatandaan na ibinalita noon ng talent manager na si Ogie Diaz na nanganak na sa isang ospital si AJ at sinubukan pa nitong itago ang kanyang pagkakakilanlan sa pamamagitan ng pagtatakip ng mukha.

aj raval 1

Posibleng ang ama diumano ng anak ni AJ ay si Aljur Abrenica na rumored boyfriend nito.

Ngunit ayon kay AJ ay “siraulo” ang mga nagpapakalat ng nasabing balita at nananahimik lamang siya.

Maliban kay Ogie ay naniniwala rin ang kolumnista na si Cristy Fermin na totoo ang mga balita tungkol kay AJ.

Nagbigay pa ng payo ang beteranong kolumnista kay AJ na sana’y huwag ng magbahagi ito ng mga luma niyang litrato upang maitago ang kanyang kasalukuyang kondisyon.

“Ang pinakamaganda na lang diyan, AJ, huwag ka na kasing naglalabas ng mga retrato mo na 19-kopong-kopong pa para hindi ka naba-bash,” sabi ni Fermin.

Hinimok din nito ang aktres na magpakita sa isang live upang mapatunayan na hindi nga siya kagagaling lamang sa pangangananak.

Matagal na sana daw natapos ito kung ganoon ang ginawa ni AJ at hindi puro litrato ang ibinabahagi niya.

Facebook Comments