Abogado, may mensahe sa netizen na tinawag na ‘magnanakaw’ ang pamilya ni Speaker Romualdez: “You might be hearing from us soon”

Nagbigay ng mensahe ang abogado na si Atty. Ferdinand Topacio sa isa sa mga netizen na kilalang kritiko ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito’y matapos mag-post ang netizen na si Clive Reyes Jr. ng kanyang opinyon tungkol sa isinusulong na P250-B ‘Maharlika Sovereign Wealth Fund’ ng kongreso.

Ang nasabing sovereign wealth fund ay gagamitin umano para sa mga ‘investment’ na makakatulong para makakalap ng karagdagang kita ang gobyerno sa pamamagitan ng pagpapaikot ng bilyon bilyong pisong pondo nito.

Ngunit ayon kay Reyes Jr. ay nakuha lamang ni House Speaker Martin Romualdez na pinsan ni Pangulong Marcos Jr. ang ideya na ito sa kontrobersyal na 1Malaysia Development Berhad (1MDB).

Matatandaan na naging malaking isyu sa Malaysia ang 1MDB dahil sa ang parte ng pondo ng nasabing wealth fund ay dinala lamang diumano ng pinuno ng Malaysia noon na si Najib Razak sa kanyang sariling bulsa.

“Apparently, Speaker Romualdez got the idea on his proposed Maharlika sovereign fund from PM Najib Razak of Malaysia who was convicted of illegally using the state’s sovereign fund 1MDB for personal use. Pamilya magnanakaw talaga!” ani Reyes Jr.

clive reyes 3
Larawan mula kay @datumx11/Twitter

Tinawag din ni Reyes Jr. na “investment scam” ang nasabing sovereign wealth fund.

clive reyes 4
Larawan mula kay @datumx11/Twitter

Dahil dito ay nagpadala ng mensahe si Atty. Topacio kay Reyes Jr. at sinabi na mayroon na kumausap sa kanya na mula sa kongreso.

“Hi Clive. Someone from the House just called me. You might be hearing from us soon. Have a nice evening,” sabi ni Topacio.

 

clive reyes 5
Larawan mula kay Mark Lopez/Twitter

Hindi naman malaman kung ano nga ba ang magiging susunod na aksyon ni Topacio, ngunit may ilang netizens ang naniniwala na maaring makatikim ng demanda si Reyes Jr.

Si Topacio rin ang parehong abogado na nagbigay ng babala noon sa aktor na si Audie Gemora na maari itong makatanggap ng demanda dahil sa mga sinabi nito laban kay Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Facebook Comments