Vhong Navarro, nakatakda ng ihalo kasama ang iba pang preso sa BJMP Taguig

Hindi ikinatuwa ng kolumnista na si Cristy Fermin ang naging ulat ng isang pahayagan tungkol sa pagkakalipat ng komedyante na si Vhong Navarro sa kustodiya ng BJMP nitong Nobyembre 21.

Ayon kasi kay Fermin ay tinawag ng pahayagan na isang ‘kriminal’ si Vhong kahit na hindi pa naman tapos ang pagdinig sa kasong isinampa laban sa kanya ni Deniece Cornejo.

Sinasabi kasi ng ulat na ilalagay na si Vhong sa normal na selda kung saan ay makakasama nito ang iba pang mga preso.

vhong 2

“Ang kuwento ay ihahalo na siya ngayon sa mga dinatnan niyang bilanggo doon.” sabi ng kolumnista.

“‘Wag naman po ninyong ginagamit ‘yung ‘kriminal’. ‘Di ba sa diyaryo, mababasa mo, ‘At ihahalo na siya sa kanyang mga kapwa kriminal’… Sabi nga po natin ‘di ba, hangga’t ‘di napatutunayan na nagkasala ang sinumang pinagbibintangan, siya ay hindi pa rin matatawag na kriminal, ‘di ba?”  dagdag pa niya.

Nakiusap ang kolumnista na sana’y huwag munang tawagin na ganoon si Vhong lalo na’t nababasa ito ng kanyang pamilya.

“Huwag naman po. Mga kapwa siguro nakapiit… kapwa bilanggo. Huwag naman kapwa kriminal. Napakasakit naman nun.” aniya.

Samantala ay tikom parin ang bibig ng kampo ni Vhong kung totoo nga bang ililipat na sa normal na selda ang komedyante.

Ipinagdadasal naman ng mga fans ni Vhong na sana’y bigyan ng pagkakataon ng korte ang komedyante na makapagpiyansa upang makasama nito ang pamilya niya sa darating na Pasko.

Ngunit ilang kritiko naman ng komedyante ang pinaalala na lahat ng tao ay dapat pantay pantay sa mata ng hustisya at hindi dapat ito payagan na makapagpiyansa lalo na’t matindi ang mga akusasyon laban sa kanya.

Facebook Comments