Mga netizens, nanlumo sa sweldo ng mechanical engineer na five years ang experience

Hindi maitago ng ilang mga netizens na manlumo matapos makita ang isang job advertisement mula sa isang kumpanya sa Batangas City na humahanap ng Professional Mechanical Engineer.

Sa nasabing post, makikita na ang hinahanap ng nasabing kumpanya ay kinakailangan na nagtapos ng Bachelor’s Degree sa Mechanical Engineer, lisensyado at dapat ay mayroon ng hindi bababa sa limang taong experience.

Ngunit ang alok lamang na sweldo ng nasabing kumpanya ay tumataginting na P18,000 hanggang 20,000 kada buwan.

Maraming netizens ang ikinabigla na ganoon lamang pala kababa ang sweldo ng isang Mechanical Engineer na maraming Pilipino ang pangarap maging.

Ilan din ang mga nagsabi na ang mababang sweldo na ibinibigay sa mga engineer ang dahilan kung bakit mas pinipili na lamang ng ilan na magtrabaho sa ibang bansa.

Ang ilan ay nagbiro pa na mas mataas pa ang kinikita ng mga namamalimos sa kalsada kaysa sa inaalok na sweldo ng nasabing kumpanya.

“Kaya madaming mga filipino professionals ang nangingibang bansa dahil sa mga ganito. Wala naman ginagawa ang gobyerno para suportahan sila,” wika ni James Cabral.

“20k boom panis mas malaki pa kita ng tropa kong barker anytime pa pede pumasok,” sabi ni James Bautista.

“Ang hirap ng Calculus, Differential Equation, Physics at Thermodynamics, May thesis pa at Computer Programming, 1 year review at di pa sigurado kung papasa sa Board, 1 year Kang mag ka Cadette Engr. +1 year apprentice, at kailangan pa PME with 5 years professional experience, ay sa BPO na lang ako , 30k up, di ka pa malalangisan,” ani Amador Jegs.

 

Facebook Comments