Kat Alano, nagbigay ng clue kung sino ba ang celebrity na humalay sa kanya: “His uncle is the right hand of a former President

Sa gitna ng nangyayari kay Vhong Navarro ay hindi maiwasan ng mga netizens na pag-usapan din ang VJ na si Kat Alano.

Kapag may nangyayari kasi sa kaso ni Vhong ay naglalabas naman ng kanyang mga ‘patama’ si Kat sa isang celebrity na diumano’y gumawa ng kahalayan sa kanya.

Itinatago lamang ni Kat sa pangalang #RhymesWithWrong ang nasabing celebrity na hanggang ngayon ay ipinagtatanggol diumano ng kanyang mga fans.

Sa kanyang mga nakaraang tweet ay nagbahagi na ito ng ilang ‘clue’ na maaring makatulong sa mga netizens upang malinawan sila nkung sino nga ba ang kilalang celebrity na ito.

Taong 2005 diumano siya biniktima ng nasabing celebrity kahit na maayos naman ang kanyang pananamit.

Sinabi rin nito na noong inilabas niya ang kanyang nalalaman laban sa nasabing celebrity ay hindi niya na ito kinasuhan dahil sa koneksyon nito.

Ayon kasi kay Alano ay mayroong kamag-anak si #RhymesWithWrong na isang makapangyarihang opisyal ng gobyerno kaya naman lahat ng kaso na isinampa dito ay nababasura lamang.

“BTW, for everyone asking why I never filed. His uncle made sure that all cases against him would be dismissed. I found this out first hand. Also they have been waiting to file a case against me to silence me & discredit me in the media, knowing I could never get justice by filing,” ani Kat.

kat 2
Larawan mula kay @katalano/Twitter

Sinabi naman nito kung ano ang eksaktong katungkulan ng nasabing kamag-anak ng celebrity.

“Right hand of the former Pres.” aniya.

kat 3
Larawan mula kay @katalano/Twitter
Facebook Comments