Guro, inutusan ang kanyang mga estudyante na sabihin ang “Sir, ang pogi mo” habang nag-a-attendance check

Dahil sa bumalik na ang face-to-face classes ay lumabas nanaman ang iba’t ibang pakulo ng mga guro upang mapatawa ang kanilang mga estudyante sa gitna ng klase.

Naniniwala ang mga eksperto na mahalaga na hindi takot ang nararamdaman ng mga estudyante sa kanilang mga guro upang sa maging mas epektibo ang kanilang pag-aaral.

Ilan sa mga nag-trending na pakulo sa social media ay ang utos ng Batangueno na guro na si Jomar Legarte ng Bulihan Elementary School kung saan ay inutusan nito ang kanyang mga estudyante na imbis na “present” ang sabihin sa gitna ng attendance check ay “Sir, ang pogi mo” ang dapat nilang sambitin.

Hindi naman mapigilan ni Legarte na mapatawa habang sa ibinibigay niya ang instruction sa kanyang mga estudyante.

Naging puno rin ng halakhak ang buong klase ng guro sa gitna ng attendance check dahil ang ilan sa mga estudyante ay hindi mapigilan ang pagtawa.

“Very good kayong lahat, ngayon tingan niyo naman ang inyong mga katabi at sabihin niyo na ‘buti nalang may katabi akong mabait, masipag’,” sabi pa niya.

Nilinaw naman ni Legarte na biruan lamang nila ng kanyang mga estudyante ang kanyang ginawa at hindi niya ipinipilit na paniwalaan na siya ay ‘pogi’.

Ilang komento naman ng mga netizens ang tila humanga sa pakulo ng guro at naniniwala na ‘pogi’ na ito.

“Sobrang tuwang tuwa ako kay sir, pero totoo na pogi siya,” sabi ni netizen Minda.

“Sir ang gwapo mo pwede akin ka nalang?” wika naman ni netizen Phen.

Sa ngayon ay may libo libo ng reaction sa social media ang nasabing post.

 

Facebook Comments