Delivery rider, naglakad ng ilang kilometro para makumpleto ang order matapos manakaw ang kanyang bisikleta

Kaawa-awa ang naging kalagayan ng isang food delivery rider matapos niyang mapilitan na maglakad ng ilang kilometro upang maipadala lamang ang inorder sa kanyang pagkain ng kanyang customer.

Ibinahagi ni netizen Danica Samson ang nangyari sa delivery rider na nakilalang si Paulo Pichay.

Sa una ay nagtataka ito kung bakit napakatagal dumating ng kanyang order ngunit nalaman nito na naglakad na lamang ang delivery rider para matapos lamang ang kanyang trabaho.

delivery rider 3
Larawan mula kay Danica Samson

Nanakaw kasi ang bisikletang ginagamit ni Pichay sa pang-araw araw niyang trabaho habang ito ay bumibili sa isang tindahan.

Ayon sa kanya ay inabot ng ilang oras ang paglalakad ni Pichay dahil sa wala itong magamit na bisikleta.

“May binili po siya, paglabas nya po wala na daw [yung bike]. Nakakaawa nga po pagod na pagod,” kwento ni Danica.

delivery rider
Larawan mula kay Danica Samson

Hindi naman mapigilan ng mga netizens na maawa sa kalagayan ng nasabing rider kaya naman ang ilan ay nagmagandang loob na tumulong.

Ilang araw matapos ibahagi ni Samson ang istorya ni Pichay ay may nagpadala na isang netizen na bagong bisekleta na maaring magamit ng delivery rider.

“May nagbigay po ng bike at pangsimula sa kanyang pagdedeliver. ┬áMaraming maraming salamat po sa lahat ng nagshare, at may mga mabubuting tao na tumulong sa kanya. Godbless po sa lahat,” sabi niya.

Todo pasasalamat naman ang delivery rider sa mga mabubuting puso na tumulong sa kanya.

Matatandaan na hindi lamang si Pichay ang food delivery rider na nakuhanan noon ng bike.

Noong nakaraang taon ay pinag-usapan din ang istorya ng delivery rider na si Joshua na inulan din ng tulong matapos maantig ang milyon milyong netizens sa kanyang istorya.

Facebook Comments