Cellphone ng celebrity couple na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio, nakuha ng basag kotse gang

Nabiktima ng ‘Basag-Kotse Gang’ ang kilalang celebrity couple na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio nitong Nobyembre 30.

Ayon sa ulat ng Bacoor City Police ay naka-park sa kahabaan ng Molino Road ang sasakyan ng magkasintahan ng bigla na lamang itong basagin ng mga suspek.

Makikita sa mga larawan na ibinahagi ng pulisya na nasira ang windshield ng kanilang sasakyan.

317922081 10160791259650168 9169101790565202496 n

Nakuha ng mga suspek ang tatlong cellphone na pagmamay-ari ng magkasintahan.

Sa ngayon ay hinahanap na ng mga otoridad kung sino ang mga suspek at sinugurado nila na mapaparusahan ang mga ito dahil sa kanilang ginawa.

Hiniling naman ng mga netizens na sana’y maayos ang seguridad ng mga gadget ng magkasintahan upang maprotektahan ang mga impormasyon na nakalagay sa mga nakuha nilang cellphone.

316806191 10160791258535168 4584440205314958860 n

Maari kasing gamitin ng mga kawatan ang mga impormasyon ng magkasintahan sa iba pang masasamang bagay.

“Stop posting kung saan mga personal na lakad niyo bebe Loisa
@iamAndalioLoisa, mag-lagay din kayo ng cctv and security guard dun sa labas ng LoiNie Cafe para sa kaligtasan ng lahat. Ingat kayo palagi, #SafetyFirst!” sabi ng isa sa mga fan ng magkasintahan.

Matatandaan na nitong nakaraang linggo lamang ay pinag-usapan ng mga netizens ang magkasintahan matapos nilang ipagdiwang ang kanilang 6th anniversary sa El Nido, Palawan.

“Life with you just keeps getting better… happy 6 years, thank you!I love you. To a lifetime of happy anniversaries,” ani Loisa sa kanyang post sa social media.

316955941 517123617104130 148896799008061234 n 1

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag si Ronnie at Loisa tungkol sa nangyari.

Facebook Comments