Bakod sa Dolomite Beach sa Maynila, winasak upang gawin diumanong palikuran ng mga homeless

Hindi maitago ng isang netizen ang pagkadismaya matapos nitong makita ang nasirang bakod sa Dolomite Beach sa Maynila.

Sa ibinahaging mga larawan ni Engineer Berto na isa sa mga vlogger na laging nakasubaybay sa mga nangyayari sa nasabing tourist spot ay makikita na sira sira na ang ilang bahagi ng bakod na itinayo bilang parte ng beautification project ng Manila Bay.

Ayon sa mga nagbabantay sa Dolomite beach ay mayroon silang nakitang mga dumi na iniwan ng tao sa loob ng nasabing bakod.

Hinala nila ay ginagawang banyo ng ilang mga nandoon ang nasabing lugar.

“May mga dumi na naman daw ng tao sa batuhan malamang dahil yan sa mga sinisirang bakod,” ani Berto.

Matatandaan na ilang mga pamilya ang ginawa ng tirahan ang kahabaan ng Manila Bay at ang ilan ay ginagawa naring palikuran ang tabing dagat na lubos na nakakasira sa kagandahan nito.

Ilang beses narin gumawa ng paraan ang LGU na paalisin ang mga nakatira doon ngunit patuloy parin ang pagbalik nila.

“Kahit gano kagaling ang president kung wala naman deciplina ang ibang tao useless tapos isisi nila lahat sa pangulon my god,” wika ni netizen Ann Nacino.

“Pagmaganda tuwang tuwa..pero d maalis ang wlang disiplinang tao..pra yan s future ng mga bata yong maging maayos ang pligid bkit pilit ntin dinudumihan..pslmat nga tau s dming dumaan n president now lng ngkaroon ng malinis jn ..ngaun ddumihan pa,” sabi naman ni Jdenver Demaosa.

Wala pang pahayag ang mga namamahala sa Dolomite kung ano ang magiging susunod na aksyon nila upang maiwasan ang ganitong pangyayari.

Facebook Comments